LCP, nanawagan sa mananampalataya na tularan si St.Therese

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,624 total reads

Nagpapasalamat si Lung Center of the Philippines Chaplain Fr. Almar Roman, MI sa lahat ng nakiisa sa paggunita kay St. Therese of Lisieux na siyang patrona ng institusyon.

Ayon kay Fr. Roman, kapansin-pansin ang kagalakan ng mga kawani at opisyal ng LCP dahil makalipas ang ilang taon ay muling nakapagsagawa ng banal na Misa at pagtitipon ang ospital para kay Sta. Teresita.

Magugunitang pansamantalang ipinagpaliban ang mga pagtitipon sa nagdaang tatlong taon dahil sa pag-iral ng coronavirus pandemic.

“Nakita ko ‘yung saya, ‘yung excitement ng mga empleyado na magdiwang ng piyesta… Nakita ko ‘yung excitement, pananabik ng tao sa Eukaristiya—sa presensya ng Panginoon sa banal na Misa. Dahil po dito, mas nakita ko rin ‘yung pananalig nila sa Diyos, ‘yung pamimintuho nila kay St. Therese. ‘Yung nine days nilang pagno-novena naging active, participative,” pahayag ni Fr. Roman sa panayam ng Radio Veritas.

Tagubilin naman ni Fr. Roman sa mga mananampalataya na katulad ni Sta. Teresita, ang bawat isa nawa’y mamuhay nang payak, at isinasabuhay ang pag-ibig at kabanalan bilang pagtalima sa kalooban ng Panginoon.

“Matuto tayong magmahal, umibig sa lahat ng ating ginagawa; at patuloy tayong magpakabuti at maging banal sa lahat ng ating kilos at ginagawa upang mas mapapurihan at maparangalan natin ang Panginoon,” ayon kay Fr. Roman.

Namayapa si St. Therese of the Child Jesus sa edad na 24 na taong gulang noong ika-30 ng Setyembre, 1897 sanhi ng tuberculosis.

Taong 1925 naman nang ideklara siya ni Pope Pius XI bilang banal dahil sa kanyang payak na buhay-pananampalataya, at itinuring na patron ng mga may sakit sa baga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,982 total reads

 110,982 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,952 total reads

 248,952 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,728 total reads

 364,728 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,714 total reads

 480,714 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,935 total reads

 243,935 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top