PHILHEALTH, nagbabala sa mga hacker

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,979 total reads

Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa mga nagpapakalat ng malisyosong impormasyon sa internet at social media.

Kaugnay ito sa insidente ng ransomware attack o hacking sa website ng PhilHealth noong Setyembre 22 na nakaapekto sa sistema ng ahensya partikular na sa member portal, health care institution (HCI) portal, at e-claims.

Batid ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, Jr., na nagdulot ito ng pangamba at pagkabahala sa mga miyembro ng state health insurer sa posibilidad na makuha ng mga mapagsamantala ang mga personal na impormasyon.

“We condemn this act in the strongest terms possible. Acts like these, committed by criminals with malicious intent, are inexcusable and are detrimental not only to PhilHealth but also to our members and the public,” pahayag ni Ledesma.

Nilinaw naman ng opisyal na agad itong tinugunan ng ahensya at tiniyak na ligtas ang lahat ng datos at impormasyong nakalagay sa sistema ng PhilHealth.

Sa kasalukuyan, balik na muli sa normal ang operasyon ng PhilHealth website habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente katuwang ang Department of Information and Communications Technology, National Privacy Commission, National Bureau of Investigation, at Philippine National Police.

“It’s essential to remain vigilant in the coming days, as we anticipate that the group behind this attack may attempt to release distorted information through various channels. Their intention is to portray themselves as heroes, which we must guard against,” saad ni Ledesma.

Hinikayat naman ni Ledesma ang publiko na maging mapagmatyag sa anumang kahina-hinalang impormasyon na makikita sa social media, at agad na ipagbigay-alam sa PhilHealth at DICT sa email na [email protected] o [email protected].

Pinapaalalahanan naman ng simbahan ang publiko na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng scam o panloloko na layong manlinlang at makapanghamak ng kapwa.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 1,441 total reads

 1,441 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 10,104 total reads

 10,104 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 51,424 total reads

 51,424 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 85,551 total reads

 85,551 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 141,957 total reads

 141,957 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,930 total reads

 177,930 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top