Higit na maglalapit kay Hesus ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,957 total reads

Ito ang mensahe ni Fr. Victor Emmanuel Clemen, Kura Paroko ng Banal na Sakramento Parish sa Talipapa, Quezon City sa pagdalaw ng pilgrim image ng Our Lady of the Rosary La Naval de Manila sa District 6 ng lungsod nitong October 3.

Ayon sa pari, sa mga pagkakataong nahaharap sa anumang pagsubok ang sambayanan ay higit nararamdaman ang mapagkalingang paglingap ng Birheng Maria.

“Ang pagkakaroon ng mas malalim na debosyon sa Mahal na Birhen ay mas maglalapit sa atin kay Hesus. Bilang ina ng sanlibutan patuloy tayong ginagabayan at hindi pinababayaan ni Mama Mary, huwag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat dala ng Birheng Maria si Hesus ang liwanag at pag-asa natin,” pahayag ni Fr. Clemen sa Radio Veritas.

Malugod na tinanggap ng distrito ang imahe sa isinagawang El Recorrido de la Virgen bilang isa sa mga tampok na gawain sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng deklarasyon ng Our Lady of the Rosary La Naval de Manila bilang pintakasi ng Quezon City.

Ayon naman kay Quezon City Sixth District Representative Marivic Co-Pilar, sagisag ng pag-unlad ng bayan ang patuloy na pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan sa mga gawaing makatutulong sa paghubog ng pananampalataya.

“Napakahalaga ng pagtutulungan ng sambayanan, ang simbahan at pamahalaan. Ito ay sagisag ng pag-angat ng ating bansa kailangan ang pagtutulungan at kailangan ang maigting na pananampalataya sa Panginoon,” pahayag ni Pilar.

Tinukoy ng mambabatas ang kasaysayan ng Birhen ng La Naval na namagitan sa nangyaring paglusob ng mga kaaway noong 1646 kaya’t napagtagumpayan ng mga mandirigma ang karahasan.

Bukod pa rito sinabi ni Pilar na mahalaga ang pagpapalalim sa debosyon at pananampalataya ng mga namumuno sa bayan sapagkat ito ay isang misyong iniatang ng Panginoon na paglingkuran ang bayan.

“Naniniwala ako na ang mga leader na God fearing ay good leader dahil ang kanyang pananampalataya ay magpapahiwatig ng kanyang tapat na pagsiserbisyo sa taumbayan,” ani Pilar.

Binasa naman ni Councilor Ellie Juan ang Quezon City Resolution sa pagkilala ng Our Lady of La Naval bilang patron ng lungsod, gayundin ang Papal Bull ni St. Pope Paul VI na binasa ni Fr. Clemen habang ang Act of Consecration na pinangunahan ni Representative Pilar.

Mananatili ang imahe ng Mahal na Birheng Maria sa Silvina Covered Court sa Talipapa, QC hanggang October 4 kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng mga barangay na bahagi ng District 6 sa magdamagang gawain tulad ng pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Sa October 7 ipagdiriwang ng lungsod ang kapistahan sa isang misa sa alas sais ng hapon sa Quezon City Memorial Circle kaya’t inaanyayahan ang mamamayang makiisa sa gawain.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,332 total reads

 16,332 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,207 total reads

 17,207 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 33,830 total reads

 33,830 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,207 total reads

 71,207 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 102,476 total reads

 102,476 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 177,565 total reads

 177,565 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,131 total reads

 270,131 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,333 total reads

 16,333 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top