EmpowerProject, inilunsad ng CRS Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,750 total views

Inilunsad ng Catholic Relief Services – Philippines (CRS-Philippines) ang #EmpowerProject na pakikipagtulungan sa ibat-ibang ahensya ng simbahan upang mapalawak ang tulong sa mga pinaka-nangangailangan.

Nakipagtulungan ang CRS sa Caritas Philippines upang masuportahan ang mga Diyosesis at nangangailangang mamamayan ng San Carlos, Bacolod, Kabankalan, Dumaguete, Negros, Tagbilaran, Talibon, Maasin at Cebu.

Sa bisa ng inisiyatibo ay pinapatibay ng dalawang ahensya ang pagkakaroon ng mga workshop kung saan napapatibay ang mga organization structures, disaster at emergency response ng mga diyosesis tuwing makakaranas ng anumang sakuna sa hinaharap.

“These workshops encompass critical aspects of humanitarian aid, such as emergency office setup, procurement and financial management, and implementing Cash and Voucher assistance programs,” ayon sa mensahe ng CRS-Philippines.

Bahagi rin ng inisyatibo ang pagpapalalim sa kaalaman ng mga kabilang na diyosesis sa pamamahagi ng financial aid at cash vouchers sa mga masasalanta ng kalamidad sa hinaharap.

Tiniyak rin ng CRS-Philippines na bukod sa Pilipinas, ay isinasagawa narin ang mga #EmpowerProject sa Indonesia, Vietnam, Nepal, Myanmar at India.

Sa tala ng Caritas Philippines, sa matibay na pakikipag-ugnayan sa 60-diyosesis sa Pilipinas ay umaabot sa 500 hanggang 2,500-indibidwal kada diyosesis ang mga nagiging benepisyarsyo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ilan sa mga inisyatibo upang itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap ay ang pagpapakain ng sapat na nutrisyon sa mga batang limang taong gulang pababa upang mapigilan ang ‘stunting’ o hindi maayos na paglaki ng dahil sa malnutrisyon.

Kabilang din sa mga ito ang paglulunsad ng mga livelihood projects sa ibat-ibang komunidad upang magkaroon ng sariling kabuhayan ang mga benepisyaryong pamilya at hindi sa pamamagitan ng dole-out o one-time-big-time financial aid.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 4,907 total views

 4,907 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 40,697 total views

 40,697 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 82,589 total views

 82,589 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 136,444 total views

 136,444 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 163,124 total views

 163,124 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 8,532 total views

 8,532 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top