Mga “niños inocentes” sa ating panahon

SHARE THE TRUTH

 440 total views

Mga Kapanalig, ngayon po ay ang Kapistahan ng mga Banal na Sanggol na Walang Malay o mas kilala natin bilang Niños Inocentes. Ito na marahil ang pinakamalungkot na yugto sa kuwento ng unang Pasko.

Ayon sa Ebanghelyo, ipinag-utos ni Haring Herodes ang pagpatay sa lahat ng batang lalaking dalawang taóng gulang pababa, bunsod na rin ng kanyang pangamba matapos marinig ang balita ng tatlong pantas na isinilang na ang Hari ng mga Hudyo, ang magliligtas at magtutubos sa mga inaaping lipi. At gaya nga ng nalalaman natin, binalaan ng anghel sina Jose at Maria, kaya’t nakaligtas si Hesus sa malawakang pagpapapatay na ito. Tumakas ang Banal na Pamilya patungong Ehipto. Hindi kasimpalad ni Hesus ang napakaraming batang biktima ng karahasang inilunsad ni Haring Herodes, at sila ang ating ginugunita sa araw na ito.

Dito sa ating bayan, maraming mga inosenteng batang katulad nila. Bagamat hindi sila sadyang ipinapapatay, kasama sila sa mga biktima ng marahas at madugong giyera kontra droga ng ating pamahalaan. Sa loob lamang ng anim na buwan, halos anim na libong katao na ang naitalang sadyang pinatay o kaya naman ay napatay sa mga engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at ng kanilang mga tinugis; may mga batang kasama sa mga namatay dahil sa digmaang ito. Nakalulungkot na itinuturing sila ng pamahalaan bilang mga “collateral damage” lamang, mga taong hindi sinasadyang mapaslang, mga walang kamalay-malay, mga nadamay lamang.  

Nariyan si Danica Mae Garcia, isang limang taong gulang na batang tinamaan ng balang para dapat sa kanyang lolong sinasabing sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga.  Ayon sa balita, ang suspek ay biglang pumasok sa karinderya ng kanyang lola at ilang beses pinaputukan ng baril ang kanyang lolo, ngunit si Danica ang tinamaan.

Ang apat na taong gulang naman na si Althea Fem Barbon ay napatay sa gitna ng operasyon ng mga pulis na hinuhuli ang kanyang tatay dahil sa kanyang pagbebenta umano ng masamang droga. Paliwanag ng mga pulis, hindi nila nakita si Althea habang isinasagawa ang kanilang operasyon.

Kamakailan lamang, si Emmanuel Lorica, labimpitong taong gulang na binata, ang binaril habang natutulog sa isang evacuation center kasama ang iba pang pamilyang biktima ng sunog sa Lungsod ng Pasig. Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, matapos umanong barilin ang binata at tanggalin ang tuwalyang nakatakip sa mukha nito, nasambit ng pumatay na mali ang kanyang binaril. Iskolar at mabait na bata raw si Emmanuel ayon sa kanyang mga guro, kaibigan, at pamilya, ngunit idinidiin siya ngayon ng mga kinuukulan bilang “runner” umano ng mga nagtutulak ng iligal na droga.

Mga Kapanalig, tatlo lamang sina Danica, Althea, at Emmanuel sa mga batang walang malay na nabiktima ng kasalukuyang digmaan kontra droga. Marami pa sana ang silang magagawa, marami pa silang matutunan, at maaaring malayo pa ang kanilang mararating. Ngunit maaga itong ipinagkait sa kanila sa ngalan ng pagsugpo sa problema ng droga. Makailang ulit na sinabi ng pangulo na ang giyera kontra droga ay para sa kaligtasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino; ngunit paano na ang mga batang walang kinalaman sa droga ngunit lantad sa karahasan at kamatayan? Ilang bata pa ang kailangang madamay at mamatay para lamang masabing tagumpay ang giyerang ito ng ating pamahalaan?

Ipinagdadalamhati ng ating Simbahan ang mga kuwentong ito. Patuloy itong nananawagang sana’y tunay na pahalagahan ng mga kinauukalan ang buhay at dignidad ng tao—bata at matanda, may sala man o wala. Bilang mga mananampalataya, manindigan tayo, mga Kapanalig, para sa buhay at dignidad ng ating kapwa, para sa paggalang sa tamang proseso ng batas. Huwag nating hayaang lamunin tayo ng pagkamakasarili at mabulag sa karahasan gaya ni Herodes. Sa araw na ito, isama po natin sila sa ating mga panalangin ang mga niños inocentes ng ating panahon, gayundin ang mga Herodes sa ating paligid.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 31,611 total views

 31,611 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 37,029 total views

 37,029 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 43,736 total views

 43,736 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 58,531 total views

 58,531 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 64,687 total views

 64,687 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 31,612 total views

 31,612 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 37,030 total views

 37,030 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 43,737 total views

 43,737 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 58,532 total views

 58,532 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 64,688 total views

 64,688 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,338 total views

 40,338 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,922 total views

 50,922 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,139 total views

 59,139 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,372 total views

 43,372 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,348 total views

 49,348 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,441 total views

 52,441 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,146 total views

 42,146 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,034 total views

 43,034 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,337 total views

 58,337 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,746 total views

 70,746 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top