Eucharistic adoration sa kapayapaan sa Middle East, hiniling ng Latin Patriarch of Jerusalem

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,332 total reads

Hiniling ni Latin Patriarch of Jerusalem Cardinal Pierbattista Pizzaballa sa mga diyosesis ng Holy Land ang pagkakaroon ng Eucharistic adoration para sa kapayapaan sng Middle East.

Ito ang panawagan ng cardinal kasunod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group sa Gaza.

Binigyang diin nito na bukod tanging mga panalangin at paglulhog sa Panginoon ang inaasahan ng bawat isa upang mapagtagumpayan ang karahasan at tuluyang manaig sa lipunan ang kapayapaan at pagkakaisa.

“We ask that on Tuesday, October 17, everyone hold a day of fasting, abstinence, and prayer. Let us organize prayer times with Eucharistic adoration and with recitation of the Rosary to Our Blessed Virgin Mary,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Pizzaballa.

Hinikayat ng pinunong pastol ng Jerusalem ang mga parokya at religious communities sa pagsasagawa ng gawain sa kani-kanilang komunidad lalo’t hindi pinahihintulutan ang malakihang pagtitipon sa Israel dahil sa banta ng seguridad.

October 7 nang sumiklab ang kaguluhan sa bansa nang lusubin ng militanteng Hamas ang isang lugar sa Israel dahilan upang magdeklara ng digmaan ang bansa laban sa mga militante.

Batay sa pinakahuling datos mahigit na sa 2, 000 indibidwal ang nasawi sa magkabilang panig kabilang na rito ang dalawang Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho sa Israel habang mahigit 5, 000 ang nasugatan.

Una nang sinabi ng mga Pilipinong misyonero sa Holy Land ang tuloy-tuloy na pagdaraos ng Banal na Misa sa kanilang mga komunidad para sa natatanging intensyon na kapayapaan ng Israel at Gaza at ang kaliwanagan ng isip ng mga lider na magkasundo sa ikabubuti ng mamamayan.

Samantala mahigit naman sa 50 Pilipino na kasapi ng Israel Defense Force ang kabilang sa humaharap sa digmaan kaya’t hiniling din ang mga panalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 29,992 total reads

 29,992 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 52,481 total reads

 52,481 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 88,981 total reads

 88,981 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 309,606 total reads

 309,606 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 342,500 total reads

 342,500 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top