Bayanihan spirit, itinataguyod ng Order of Malta Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,891 total reads

Tiniyak ng Order of Malta Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga mahihirap at may karamdaman.

Ito ang pahayag ni Hospitaller Doña Lena Vera sa ginanap na medical mission nitong October 14 kasabay ng pagdiriwang sa kauna-unahang World Day, of the Order of Malta.

Ayon kay Vera, ang paglunsad ng mga gawain sa World Day ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na mapakikinabangan ng mamamayan.

“Isang layunin ng Order of Malta ay ipaalam sa madla na nandito kami para tumulong sa kanila through our services na ginagawa namin sa buong mundo, to promote our work, to promote our charism which is defense of faith and service to the poor and the sick,” pahayag ni Vera sa Radio Veritas.

Mahigit sa 200 indibidwal ang nakinabang sa libreng konsultasyon sa Ear, Nose, Throat o ENT, pediatric, obstetric, at gynecological cases kung saan nakatuwang ng grupo ang Makati Medical Center, San Lazaro Hospital at PHAP Cares Foundation.

Bukod pa rito ang feeding at formation program para sa mga kabataan kung saan bukod sa pagtutok sa usaping pangkalusugan ay hinuhubog din ang pagkatao ng bawat bata upang maging mabuting kasapi ng kristiyanong pamayanan.

Gayundin ang pagkakaroon ng programa para sa mga magulang lalo na sa kababaihan upang maingat ang antas ng kanilang pamumuhay at matutuhang maging independent sa pamamagitan ng Women-preneur for plastics kung saan katuwang ng grupo ang Malteser International at pamahalaan ng Germany.

“We promote the Bayanihan spirit…what we aim to do is to multiply the effect, the influence, the impact that we have on small communities, the people that we help in turn help other people,” giit ni Vera.

Samantala ibinahagi ni Doña Josephine Bantug, ang pangulo ng Order of Malta Philippines na nakikipag-ugnayan din ang grupo sa mga bahay ampunan, home for the aged, mga ospital lalo na ang kanilang advocacy program sa mga may leprosy at HIV/AIDS.

Dagdag pa nito ang pagpapatayo ng proyektong patubig sa 56 eskwelahan at mga komunidad partikular sa Benguet sa pamamagitan ng Water, Sanitation and Hygiene (WASH) Projects na layong tulungan ang mamamayan na magkaroon ng malinis na pagkukunan ng tubig.

Nakapagpatayo rin ang grupo ng 641 bahay para sa mga residente ng Bantayan Island sa Cebu at Basey Samar na lubhang napinsala sa supertyphoon Yolanda noong 2013.

Ang World Day celebration ng grupo ay ipinagdiwang sa araw na pinakamalapit sa October 13 ang araw ng paggunita kay Blessed Gerard, ang tagapagtatag ng Order of Malta.

Pinasalamatan ni Vera ang mga tumulong maisakatuparan ang medical mission gayundin ang mga dumalo sa gawain.

“Nagpapasalamat kami sa mga tumulong, na nagbibigay sila ng oras, talino at galing; nagpapasalamat kami sa komunidad na tinutulungan namin kasi nabibigyan kami ng pagkakataon na ipatupad namin ang misyon ng Order of Malta,” saad ni Vera.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,165 total reads

 24,165 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,710 total reads

 44,710 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,781 total reads

 120,781 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,151 total reads

 206,151 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,887 total reads

 252,887 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,758 total reads

 300,758 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,599 total reads

 398,599 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top