Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 878 total reads

Ang Mabuting Balita, 18 Oktubre 2023 – Lucas 10: 1-9

KAPANGYARIHAN

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’”

————

Ang gawaing pagliligtas ni Kristo ay hindi limitado lamang sa kanyang 12 apostoles. Sa pamamagitan ng ating Binyag, tayong mga Kristiyano ay tinatawag din maging mga manggagawa sa kanyang bukirin, tulad ng pagsugo niya sa pitumpu’t dalawa. Si San Lucas, ebanghelista, kung kaninong kapistahang ipinagdiriwang ng Simbahan sa araw na ito, ay hindi kabilang sa mga nakapisan ni Jesus, ngunit sinulat niya ang isa sa apat na ebanghelyo sa tulong ni San Pablo, na nakilala si Jesus sa isang nakasisilaw na pangyayari at mula sa pagiging taga-usig ng mga Kristiyano ay naging kampeon ng Kristiyanong Pananampalataya. Tinuon nilang dalawa ang pagiging manggagawa sa bukirin ng Panginoon, sa mga hentil/pagano na hindi rin nagkaroon ng pagkakataong makilala si Jesus ng personal. Ganito ang KAPANGYARIHAN na ibinibigay ng Espiritu Santo sa mga taos-pusong nagpapalaganap ng pagmamahal at kapayapaan ng Diyos sa pangalan ni Jesus. Napakapalad natin kung kinikilala natin at isinasagawa ang ating papel sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa para ng sa langit!

Panginoong Jesus, ipadala mo sa amin ang iyong Espiritu upang walang humpay naming ipalaganap ang Kaharian ng Diyos saan man kami pumaroon!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 187,569 total reads

 187,569 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 216,108 total reads

 216,108 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 250,230 total reads

 250,230 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 306,634 total reads

 306,634 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 7,964 total reads

 7,964 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 12,397 total reads

 12,397 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 13,002 total reads

 13,002 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 10,110 total reads

 10,110 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top