687 total views

Mga Kapanalig, bilang mga tao, tayo ay may mga karapatang dapat na makamit. Nakaugat ang mga ito sa ating dignidad. At sa ating pananampalatayang Katoliko, ang dignidad na ito ay nagmumula sa katotohanang nilikha tayong kawangis ng Diyos. Itinuturo din sa ating ang dignidad ng tao ay mapangangalagaan kung pangangalagaan din ang ating mga karapatan. Ang bawat isa ay may karapatang mabuhay at makamit ang mga bagay na kailangan para sa isang disenteng buhay. Sa pagkamit ng mga karapatang ito, dapat nating gampanan ang ating mga tungkulin sa ating kapwa, sa ating pamilya, at sa ating bayan.

May mga pagkakataong lumalabis tayo sa paggigiit sa mga bagay na sa ating tingin ay dapat nating matanggap, sa mga bagay na lampas sa ating mga karapatan. Naniniwala tayong may mga pribiliheyo tayong dapat na ibigay sa atin. Umaabot tayo sa puntong naniniwala tayong umiikot sa atin ang buong mundo. Ang mga sinasabi nating mga karapatan natin ay hindi na umuusbong sa ating pagiging nilikha ng Diyos. Hindi na sila ginagarantiya ng mga batas ng bansa. Nagsisimula na tayong humingi ng mga benepisyo at kaginhawahan bilang isang “karapatan”. Ito ang tinatawag na sense of entitlement.

Kahit noong panahon ni Hesus, maraming may sense of entitlement. At ang kanilang mga ginagawa sa ngalan ng sense of entitlement na ito ang pinuna ng ating Panginoon. Sa Mateo 23:6-7, halimbawa, matutunghayan natin ang mga Pariseo na laging “nais… ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing upuan sa sinagoga. Gustung-gusto nilang binabati sila sa mga palengke, at tawaging ‘guro.’” “Mas ginusto nilang parangalan sila ng tao kaysa parangalan ng Diyos,” wika naman sa Juan 12:43. Kaya naman, ang turo ni Hesus sa kanyang mga alagad—at sa ating nais maging tagasunod Niya—“Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili.” Mababasa natin ‘yan sa Mateo 16:24.

Nakalulungkot na sa panahon natin ngayon, kitang-kita ang mga may sense of entitlement. Nabalitaan ninyo marahil ang balita tungkol sa isang nag-viral na video na ipinakitang pansamantalang pagpapatigil sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue dito sa Quezon City. Ayon sa pulis na kausap na kumuha ng video, may daraan daw kasing VIP o very important person. Ilang minutong pinatigil ang daan-daang motorista upang komportableng makatawid ng highway ang convoy ng hindi pa rin pinapangalanang VIP. 

Nakalulungkot na mataas na opisyal ng gobyerno ang sinasabing VIP, isang opisyal na nanumpang maglilingkod sa taumbayan, isang opisyal na alam sana ang pinagdadaanan ng mga mamamayang katulad ng mga motoristang laging naiipit sa trapiko. Kung totoo man ito, wala na yata talaga ang panahong walang wangwang, walang sirena, walang mga naghahawi ng mga sasakyan para makadaan ang mga VIP. Sa madaling salita, wala na ang pagbabawal sa mga abusado sa kalsada, sa mga gumagamit sa kanilang kapangyarihan para sa kanilang kaginhawahan, sa mga may sense of entitlement.

Ang mas nakapagtataka pa, sa halip na ipaalam sa publiko kung sino ang umabala sa mga motorista at mananakay para lamang tumawid, ang hinabol at nais kasuhan ng mga pulis ay ang nag-upload ng video. Inalis din muna sa puwesto ang pulis na nagbanggit ng pangalan ng VIP, bagamat sigurado namang sumusunod lamang siya sa iniutos ng mga nakatataas sa kanya.

Mga Kapanalig, maalala sana ng ating mga lider na ang kanilang posisyon ay hindi nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mag-astang mga hari at reynang laging pinaglilingkuran. Sila ang dapat na naglilingkod sa taumbayan. Kaakibat sana ng paglilingkod na ito ang pagiging maláy at mulát sa nararanasan ng kanilang mga pinaglilingkuran. Hindi nila ito magagawa kung matindi ang kanilang sense of entitlement.

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 24,081 total views

 24,081 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »

Proteksyon para sa mga magsasaka

 31,589 total views

 31,589 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »

Panagutin ang dapat panagutin

 42,710 total views

 42,710 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Patatagin ang Pamilya

 64,702 total views

 64,702 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Catechesis on Old Age

 73,798 total views

 73,798 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 24,082 total views

 24,082 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 31,590 total views

 31,590 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 42,711 total views

 42,711 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 64,703 total views

 64,703 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catechesis on Old Age

 73,799 total views

 73,799 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtanda ng ating Populasyon

 63,897 total views

 63,897 total views Kapanalig, sa ibang bansa, ang retirement mula sa trabaho ay isang kapana-panabik na yugto ng buhay ng isang tao. Ito yung panahon ng pagpahinga, ng pag-eenjoy ng mga bunga ng pinaghirapan ng nakaraang mga dekada. Sa ating bayan, parami ng parami ang mga mamamayan na nasa retirement age na o papalapit na dito.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalayaan mula sa pang-aapi

 64,911 total views

 64,911 total views Mga Kapanalig, Happy Independence Day! Mahigit isandaang taon na mula nang nakalaya ang Pilipinas mula sa pagsakop ng mga Kastila. Halos walumpung taon na rin nang tayo ay tuluyang naging bansa na malaya mula sa pagkakagapos ng mga banyaga. Pero taun-taon, tuwing sasapit ang Araw ng Kalayaan, lagi nating itinatanong: masasabi ba nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silent pandemic

 69,912 total views

 69,912 total views Mga Kapanalig, napapansin ba ninyong dumarami ang kabataang nagve-vape o gumagamit ng e-cigarette? Silent pandemic na nga raw ito para sa Department of Education (o DepEd). Ayon sa Global Youth Tobacco Survey noong 2019, 14% ng mga Pilipinong edad 13 hanggang 15 ay gumagamit ng e-cigarette. Katumbas ito ng halos isang milyong kabataan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan at ang ating hinaharap

 55,608 total views

 55,608 total views Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng Proclamation No. 237 na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988, itinalaga ang buwan ng Hunyo bilang Philippine Environment Month. Layunin nitong itaas ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan at hikayatin tayong magsama-samang kumilos upang pigilan ang pagkasira nito. Ang tema ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Universal Health Care Law

 75,373 total views

 75,373 total views Accessible health care sa mga Pilipino…. Ito ang natatanging hangarin ng UHC law na ipinatupad limang taon na ang nakalipas. Ipinapangako ng UHC law ang accessible at abot kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino sa alinmang panig ng Pilipinas. Kapanalig, natatamasa mo ba ang benepisyong dulot ng UHC law? Nabuo ang UHC

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2024 Job Losses

 88,939 total views

 88,939 total views Nakakaalarma… Hindi lamang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng taong 2024, sinabayan pa ito ng “job losses” o mataas na bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa data ng National Economic Development Authority (NEDA), bumagal ang economic growth ng bansa mula 8.1-porsiyento noong unang quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baka makalusot

 84,544 total views

 84,544 total views Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan. Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Banta ng red-tagging

 82,257 total views

 82,257 total views Mga Kapanalig, ihinto ang red-tagging!  Ito ang panawagan ng ilang mamamahayag at human rights groups matapos manindigan si Pangulong Bongbong Marcos Jr na hindi niya bubuwagin ang National Task Force to End the Local Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Ang red-tagging ay ang pagtatatak sa mga tao o grupong kritikal sa pamahalaan o nagsusulong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikilakbay sa mga mag-asawa

 86,512 total views

 86,512 total views Mga Kapanalig, “ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Ang mga salitang ito mula sa Mateo 19:6 ay ang pinakamadalas nating marinig sa tuwing lumulutang ang usapin tungkol sa divorce o diborsyo sa ating bansa. Ginagamit itong battlecry, ‘ika nga, ng mga tutol sa pagkakaroon ng batas na magpapahintulot sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rigodon sa Senado

 38,998 total views

 38,998 total views Mga Kapanalig, tila drama ang nangyaring rigodon sa Senado dalawang araw bago matapos ang second regular session ng 19th Congress.  Bumaba sa pagiging Senate President si Senador Juan Miguel Zubiri. Pinalitan siya ni Senador Francis Escudero. Hinala ni Senador Zubiri, nabigo raw siyang sundin ang ipinagagawa ng mga nasa itaas o ang “powers

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top