Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Ang Mabuting Balita, 18 Oktubre 2023 – Lucas 10: 1-9

KAPANGYARIHAN

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak. Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito. Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’”

————

Ang gawaing pagliligtas ni Kristo ay hindi limitado lamang sa kanyang 12 apostoles. Sa pamamagitan ng ating Binyag, tayong mga Kristiyano ay tinatawag din maging mga manggagawa sa kanyang bukirin, tulad ng pagsugo niya sa pitumpu’t dalawa. Si San Lucas, ebanghelista, kung kaninong kapistahang ipinagdiriwang ng Simbahan sa araw na ito, ay hindi kabilang sa mga nakapisan ni Jesus, ngunit sinulat niya ang isa sa apat na ebanghelyo sa tulong ni San Pablo, na nakilala si Jesus sa isang nakasisilaw na pangyayari at mula sa pagiging taga-usig ng mga Kristiyano ay naging kampeon ng Kristiyanong Pananampalataya. Tinuon nilang dalawa ang pagiging manggagawa sa bukirin ng Panginoon, sa mga hentil/pagano na hindi rin nagkaroon ng pagkakataong makilala si Jesus ng personal. Ganito ang KAPANGYARIHAN na ibinibigay ng Espiritu Santo sa mga taos-pusong nagpapalaganap ng pagmamahal at kapayapaan ng Diyos sa pangalan ni Jesus. Napakapalad natin kung kinikilala natin at isinasagawa ang ating papel sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos dito sa lupa para ng sa langit!

Panginoong Jesus, ipadala mo sa amin ang iyong Espiritu upang walang humpay naming ipalaganap ang Kaharian ng Diyos saan man kami pumaroon!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 10,081 total reads

 10,081 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 88,472 total reads

 88,472 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 132,782 total reads

 132,782 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 169,783 total reads

 169,783 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 276,572 total reads

 276,572 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECIPIENTS

 711 total reads

 711 total reads Gospel Reading for September 18, 2026 – Luke 8: 1-3 RECIPIENTS Jesus journeyed from one town and village to another, preaching and proclaiming

Read More »

LOVE and COMPASSION

 6,963 total reads

 6,963 total reads Gospel Reading for September 17, 2026 – Luke 7: 36-50 LOVE and COMPASSION A certain Pharisee invited Jesus to dine with him, and

Read More »

IF WE WERE MARY

 4,150 total reads

 4,150 total reads Gospel Reading for September 15, 2026 – John 19: 25-27 IF WE WERE MARY Standing by the cross of Jesus were his mother

Read More »
Scroll to Top