Buhay, huwag i-asa sa hula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total views

Hindi nararapat i-asa ng sinuman ang kanilang buhay at kinabukasan sa mga ‘hula’ na walang katotohanan at pawang pagbabakasakali lamang.

Ito ang panawagan ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscas Cruz sa mamamayan na mahilig magpahula para sa pagsisimula ng taon.

Giit ng Arsobispo, sa halip na i-asa at gawing gabay ang mga hula ay mas nararapat gamitin ng bawat isa ang kaloob na kalakasan, karunungan at pambihirang kakayahan na regalo ng Panginoon sa bawat isa.

Paliwanag pa ni Arcbishop Cruz, hindi nararapat paniwalaan at gawing gabay sa buhay ang mga ‘hula’ na wala namang katiyakan sa halip ay mas nararapat paigtingin ang pananampataya na kaloob ng Panginoon na lubos ang pag-ibig sa buong sangkatauhan.

“Ang hula po ay walang tinutungtong katotohanan, kaya nga tinawag na hula yun ay sabi-sabi, tantiya, baka sakali etc. etc. So paano po tayo maniniwala sa baka-sakali at saka tantiya-tantiya, neither here or there kung ganito gagawin mo, ganito ang swerte. So huwag po, meron po tayong kaisipan gamitin natin, meron tayong kalooban gamitin natin, meron tayong kalakasan ng katawan ay gamitin natin at huwag po tayong umasa sa mga hula kundi wala pong mangyayari sa buhay natin…” paalala ni Archbishop Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang taong 2012 ng kumalat ang prediksyon sa pagkawasak ng mundo.

Kaugnay nito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang tunay na pananampalataya sa Panginoon at sa kanyang mga kaloob ang mga tumatangkilik sa mga manghuhula o fortune tellers na nagsasabi ng huwad na kapalaran ng isang nilalang.

Paliwanag ng Santo Papa, hindi na kinakailangan pa ng mga payo o direksyong dapat sundin ng sinuman upang maging masaya, masagana at makabuluhan ang pamumuhay sa halip ay kinakailangan lamang ang masidhing pananampalataya sa biyayang kaloob ng Panginoong Maykapal sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 30,685 total views

 30,685 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 53,837 total views

 53,837 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 123,951 total views

 123,951 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 198,565 total views

 198,565 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 276,375 total views

 276,375 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,399 total views

 5,399 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top