Mananampalataya, hinimok ng Archdiocese of Manila na makiisa sa “day of prayer and fasting”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,728 total reads

Hinimok ng Archdiocese of Manila ang kristiyanong pamayanan na magbuklod sa pananalangin para sa kapayapaan ng mundo.

Ito ang pakikiisa ng arkidiyosesis sa panawagan ng Santo Papa Francisco na ‘day of prayer and fasting’ sa October 27 na layong ipagdasal na mawakasan ang digmaan sa iba’t ibang mga bansa.

“We encourage our communities to organize prayer initiatives for this intention like the Mass for Peace, Adoration of the Blessed Sacrament/Holy Hour, the praying of the holy rosary, or any other celebrations of the Word of God.” bahagi ng pahayag ni Manila Vice Chancellor Carmelo Arada, Jr.

Magbibigay ng liturhiya para sa Eucharistic Adoration for Peace in the Holy Land ang arkidiyosesis na maaring gamitin ng mga parokya at komunidad sa isasagawang pananalangin para sa kapayapaan.

Naunang tiniyak ng Santo Papa Francisco ang pakikiisa at pananalangin sa mga biktima ng digmaan, ang mga nasawi, mga dinukot at lubhang nasugatan na ayon sa datos umabot na sa mahigit 15, 000 katao.

Sa nagpapatuloy na digmaang sumiklab noong October 7 sa pagitan ng Israel at Hamas militant group mahigit 5, 000 na ang nasawi sa magkabilang panig lalo na sa mga Palestinian sa Gaza strip ang sentro ng kaguluhan.

Nanindigan si Pope Francis na kailanman ay hindi matutugunan ng digmaan ang anumang hindi pagkakasundo bagkus ay lalo itong magdulot ng pagkasira at pagkakawatak-watak ng pamayanan.

Nakiusap din ang pinunong pastol kay US President Joe Biden na gumawa ng hakbang upang matulungang maisulong ang kapayapaan sa buong daigdig at matigil ang digmaan sa mga magkatunggaling mga bansa.

Bukod sa Archdiocese of Manila nagpahayag na rin ng pakikiisa ang iba pang arkidiyosesis, diyosesis, at bikaryato tulad ng Lingayen-Dagupan, Malolos, San Carlos – Negros Occidental, Taytay, Palawan gayundin ang Prelatura ng Marawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 25,758 total reads

 25,758 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 48,614 total reads

 48,614 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 85,114 total reads

 85,114 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 305,739 total reads

 305,739 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,888 total reads

 338,888 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top