Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,581 total views

Mga Kapanalig, kahit wala na sa puwesto, mainit pa rin ang dugo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga progresibong grupong aniya’y mga “komunista”. Sa isang interview, sinabi ng dating presidente na gusto niyang patayin ang mga komunista sa Kongreso. Pinangalanan niya si ACT Teachers party-list Representative France Castro bilang unang target. “Patay kayong mga komunista d’yan,” pagbabanta ng 78 anyos na dating pangulo.

Ang mga sinabing ito ni ex-President Digong ay reaksyon niya sa mga kumikuwestyon sa paghingi ng kanyang anak ng confidential funds. Isa nga si Representative Castro sa mga naghahanap ng kalinawan kung bakit kailangan ni VP Sara Duterte ng pondong hindi dadaan sa masinsing pagsusuri ng Commission on Audit (o COA). Bagamat hindi naman niya pinagbantaan ang buhay ng mga kumikuwestyon sa paghingi niya ng malaking confidential funds, tinawag naman sila ni VP Sara na “kalaban ng kapayapaan” at “kalaban ng bayan”. Mukhang totoo nga ang kasabihan sa Ingles: “The apple doesn’t fall far from the tree.

Mapapabuntong-hininga na lang tayo sa ganitong uri ng pag-iisip ng ilan nating mga lider—dati man o kasalukuyang nakaupo sa puwesto. Lantaran ang pagkiling nila sa karahasan, sa halip na magbigay ng malinaw at mahinahong sagot sa mga tanong sa kanila. Kalaban agad ang tingin ng mga lider na ito sa mga taong may ibang pananaw. At ang mga kalaban sa kanilang paningin ay mga taong pwedeng pagbantaan ang buhay, pwedeng patayin. 

Ang nakalulungkot at nakababahala, mataas ang tingin ng marami sa atin sa ganitong uri ng mga lider. Sikat pa rin sila. Pinagkakatiwalaan pa rin sila. Ibinoboto pa rin sila, at iboboto pa rin sila. Marami rin ang naniniwala—o napaniwalang—dapat may kamay na bakal ang mga nagpapatakbo ng gobyerno, at kapag sinabing kamay na bakal, wala silang dapat na sinasanto, walang kinatatakukan, maliban na lang siguro kung kakampi nila sila. Sa paggamit ng dahas—kahit lamang sa salita—maipakikita daw na seryoso ang mga lider sa pagganap ng kanilang tungkulin. Walang pakialam ang marami nating kababayan sa mga napatunayang paglabag sa karapatang pantao ng mga lider na ito o kahit sa kanilang lantarang pagbabanta sa buhay ng iba. 

Ang pamamayagpag ng mga lider na kumikiling sa karahasan ay sumasalamin sa ating mga pinahahalagahan bilang mga botante. Hindi natin maaasahang mawala sa poder ang mga walang pagpapahalaga sa karapatang pantao, demokrasya, at tamang proseso ng batas kung tayong mga botante—o ang karamihan sa atin—ay wala ring pagpapahalaga sa mga ito. Hindi rin naman natin maasahang ipagtatanggol ng mga botante sa pamamagitan ng balota ang mga bagay na marahil ay hindi nila lubusang naiintindihan. 

Ilan sa mga sanhi nito ang uri ng edukasyong nakamit natin at ang kulturang ating kinagisnan. Kung hindi tayo natutong maging kritikal, tatanggapin na lamang natin ang sinasabi ng mga lider natin. Kung hindi tayo lumaking may pagtitimpi at kahinahunan, karahasan lamang ang makikita nating “tamang” paraan. Kung hindi tayo naging mulát sa ating kasaysayan, hindi natin magagawang itama at ituwid ang mga mali ng nakaraan. Uulitin at uulitin natin ang mga ito, kabilang ang pagboto sa mga lider na nagpapalaganap ng takot at ng bulag na pagsunod sa kanila.

Mga Kapanalig, sa Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na ang karasahan ay lumilikha lamang ng bago at mas maraming pag-aaway sa halip na magbigay ng solusyon. Hindi dapat umiral sa pamahalaan, bilang tagapagtaguyod ng kabutihang panlahat, ang pagkiling sa karahasan. Dapat pagsikapang gawin ng ating mga lider ang mga bagay na makakapagdulot ng kapayapaan, paalala nga sa Roma 14:19. Ngunit muli, sa ating mga mamamayan nakasalalay kung uupo ba sa pamahalaan ang mga lider na utak-pulbura.  

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 19,502 total views

 19,502 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 27,602 total views

 27,602 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 45,569 total views

 45,569 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,714 total views

 74,714 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 95,291 total views

 95,291 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 19,503 total views

 19,503 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 27,603 total views

 27,603 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 45,570 total views

 45,570 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 74,715 total views

 74,715 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 95,292 total views

 95,292 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,089 total views

 86,089 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,870 total views

 96,870 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,926 total views

 107,926 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,788 total views

 71,788 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,217 total views

 60,217 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,439 total views

 60,439 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,141 total views

 53,141 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,686 total views

 88,686 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,562 total views

 97,562 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,640 total views

 108,640 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top