Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,564 total views

Mga Kapanalig, ilang beses na tayong nakapanood sa balita ng mga kababayan nating kinilala ang kanilang katapatan. Halimbawa, ilang linggo na ang nakalipas, pinarangalan ang security guard na si Gilren Bajado. Isinauli niya kasi ang bag ng isang customer sa mall kung saan siya naka-duty. Naglalaman ang napulot niyang bag ng ₱64,000 at mahahalagang ID. Malaking halaga ito, ngunit hindi ito pinag-interesan ng lady guard. Tiniyak din niyang nabawi ng may-ari ang bag.

Saludo tayo sa mga kababayan nating nagsasauli ng mga bagay na hindi sa kanila. Lalo silang kahanga-kahanga dahil sa hirap ng buhay ngayon, tiyak na malaking tulong ang pera o gamit na natagpuan nila at napapadpad sa kanilang mga palad. Pero hindi sila nagpatukso. Mas nangibabaw sa kanila ang tapang na piliin ang tama at mabuti. 

Ang paggawa ng mabuti ay maituturing na kabanalan. Sa apostolic exhortation na Gaudete et Exsultate, sinabi ni Pope Francis na lahat tayo ay tinatawag na maging banal sa pamamagitan ng pamumuhay nang may pagmamahal at sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa lahat ng ating ginagawa, saan man natin matatagpuan ang ating sarili. Kung tayo raw ay naghahanapbuhay, maaari tayong maging banal sa pamamagitan ng paggawa nang may integridad at paglilingkod sa ating mga kapatid. Ganito ang ipinamalas ni Gilren Bajado.

Ngayon ay Araw ng mga Santo o All Saints Day. Isa itong okasyon para sa ating mga Katoliko upang ipagdiwang at parangalan ang mga santo o mga tao sa langit (na-canonize man o hindi), na namuhay nang may kabayanihan, nag-alay ng kanilang buhay para sa iba, o naging martir para sa pananampalataya, at karapat-dapat na tularan. Ngunit tandaan nating ang mga santo ay hindi mga perpektong tao. Sila ay mga taong nakatagpo ang Diyos sa kanilang buhay. Sila ay nagsikap na bigyang-puwang sa kanilang buhay ang Panginoon nang ang Kanyang liwanag ay dumapo sa kadiliman ng kanilang kasalanan. 

Sa araw na ito, hindi lamang natin pinararangalan ang mga nakarating na sa langit. Ipinaaalala rin sa atin ng okasyong ito na may mga tao—ang ilan ay maaaring kilala natin—na, sa pamamagitan ng kanilang araw-araw na kabalanan, ay nakikibahagi sa pagkilos ng Diyos sa ating mundo. Ang araw-araw na kabanalang ito ay matutunghayan natin sa sermon ni Hesus sa bundok, ang Ebanghelyo (mula sa Mateo 5:1-12) para sa araw na ito. Katulad ng mga santo, pinagpapala ang mga nakararanas ng kasiyahan sa gitna ng pagdadalamhati o pagdurusa. Pinagpapala ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, ang mga mapagpakumbaba, at ang mga mahabagin. Pinagpapala ang mga may malinis na puso, at ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan. Pinagpapala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos, kahit pa usigin sila dahil dito. 

Kapag sinusubukan nating isabuhay ang mga turong ito ni Hesus, nakasasama tayo ng Diyos sa pagtatatag ng Kanyang kaharian sa mundo. Sa ganitong paraan, nakatutugon tayo sa tawag na maging banal. Hindi ito madali sa mundong kinalalagyan natin. Napakahirap, halimbawa, na magkaroon ng malinis na puso—na piliin ang tama at matuwid, na maging matapat, na pigilan ang tuksong lamangán ang ating kapwa—lalo na’t tila bihira ang mga katangiang ito sa mga namumuno at inaasahan nating maging mabuting ehemplo. Ngunit huwag sana tayong panghinaan ng loob. 

Mga Kapanalig, sa kanya-kanya nating paraan, pagsikapan nating maging banal. Ang kabanalan, dagdag pa ng Santo Papa, ay lumalago sa pamamagitan ng maliliit na kilos. Si Santa Teresa ng Calcutta ay may ganito namang paalala: “Holiness is not the luxury of a few people, but a simple duty for you and me.” Kaya nating maging banal araw-araw.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,544 total views

 28,544 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,644 total views

 36,644 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,611 total views

 54,611 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,644 total views

 83,644 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,221 total views

 104,221 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,545 total views

 28,545 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 36,645 total views

 36,645 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,612 total views

 54,612 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,645 total views

 83,645 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 104,222 total views

 104,222 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,787 total views

 86,787 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,568 total views

 97,568 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,624 total views

 108,624 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,486 total views

 72,486 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,915 total views

 60,915 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,137 total views

 61,137 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,839 total views

 53,839 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,384 total views

 89,384 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,260 total views

 98,260 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,338 total views

 109,338 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top