Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Gawaing Bahay ay Walang Kasarian

SHARE THE TRUTH

 13,540 total views

Kapanalig, aminin natin na kahit pa moderno na ang panahon, hindi pa rin patas ang pagtrato natin sa babae at lalaki, kahit mismo sa ating mga tahanan. Ito ay realidad hindi lamang sa mga tahanang Pilipino, kundi sa maraming bansa sa buong mundo.

Naging mas matingkad nga ang sitwasyon na ito noong kahitikan ng pandemic. Mas marami ang naging panahon ng parehong babae at lalaki sa mga bahay diba, dahil sa mga lockdowns at remote work setups. Pero kahit pareho silang naka-work from home, ang babae, mas dumami ang oras sa trabahong bahay. Nakita nga ng isang pag-aaral mula sa Oxfam noon sa Pilipinas, Kenya, United Kingdom, United States, at Canada, na 84% ng mga babae ang siyang gumagawa ng mga housework o gawaing bahay. Ayon pa sa isang pag-aaral ng Organisation for Economic Co-operation and Development  o OECD, higit pa sa sampung beses ang gawain ng mga babae kaysa lalaki sa mga tahanan.

Minamaliit natin ang gawaing bahay kapanalig, at lagi nating inaasa ang mga ito sa babae. Sa Pilipinas, mula pagkabata, pinapamulat pa natin sa mga bata na ang paglalaba, pamamalantsa, paglilinis, pag-aalaga, at pagluluto at iba ay gawaing babae. Hindi madali ang gawaing bahay, kapanalig – mabigat na trabaho ito, at kumakain ng napakalaking oras. Malaki ring mental load ito sa mga nanay ng tahanan – kahit hindi mo pa ginagawa ito, nakakapagod na dahil magkakaugnay at natatambak ang lahat ng gawaing ito.

Ang gawaing bahay ay integral sa ating pang-araw araw na buhay. Kasama ito sa ating routine na tinambak natin sa mga kababaihan. Pero kapanalig, ang gawaing bahay ay walang kasarian.

Kailangan nating inormalize ang pagpapatakbo ng tahanan ay shared responsibility ng babae at lalaki. Kailangan din natin i-mainstream ang positibong konsepto ng masculinity – kung saan mulat ang lahat na  hindi kabawasan sa pagkatao ninuman ang paggawa ng domestic work, gaya ng pag-aalaga ng anak, pag-aalaga sa mga seniors, paglilinis ng bahay, at iba pa. Napakahalaga na imodelo natin ito sa mga susunod na henerasyon, upang ang mga kabataan ngayon ay mababago na ang mga maling praktis na ating naipamana pa sa kanila ngayon.

Si Pope Francis ay nagpapa-alala sa atin na ang laban para sa women’s equality ay laban nating lahat. Sabi niya sa Fratelli Tutti, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan:  The organization of societies worldwide is still far from reflecting clearly that women possess the same dignity and identical rights as men. We say one thing with words, but our decisions and reality tell another story. Kapanalig, ang gender equality ay dapat na nating dalhin sa ating mga tahanan. Ang maligayang tahanan, kapanalig, ay tahanang tunay na nagmamahalan at kinikilala ang dignidad at karapatan ng bawat isa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,471 total views

 5,471 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,571 total views

 13,571 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,538 total views

 31,538 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,907 total views

 60,907 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,484 total views

 81,484 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,472 total views

 5,472 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 13,572 total views

 13,572 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,539 total views

 31,539 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 60,908 total views

 60,908 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 81,485 total views

 81,485 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 84,981 total views

 84,981 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,762 total views

 95,762 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 106,818 total views

 106,818 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,680 total views

 70,680 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,109 total views

 59,109 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,331 total views

 59,331 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,033 total views

 52,033 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,578 total views

 87,578 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,454 total views

 96,454 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,532 total views

 107,532 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top