Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 94,890 total views

Mga Kapanalig, sa tingin ba ninyo ay may improvement sa rule of law sa Pilipinas nitong nakaraang taon?

Ayon sa 2023 Rule of Law Index ng World Justice Project (o WJP), isang international nonprofit organization, bumaba sa ika-100 na puwesto ang Pilipinas sa ranking ng 142 na mga bansa. Batay sa scale mula zero hanggang one, kung saan ang score na one ay nagpapahiwatig ng pinakamataas na pagtalima sa rule of law, bahagyang bumaba ang Pilipinas sa score na 0.46 ngayong 2023 mula sa score na 0.47 noong 2022. Sinusukat ang Rule of Law Index ng WJP batay sa walong tema: limitasyon sa kapangyarihan ng pamahalaan, kawalan ng korapsyon, pagiging bukás ng gobyerno, mga batayang karapatan, kaayusan at seguridad, pagpapatupad ng mga patakaran, civil justice, at criminal justice. Ayon sa WJP, ang rule of law ay pundasyon ng isang masiglang lipunan kung saan natatamasa ang katarungan at mga oportunidad. Kaakibat din ng malakas na rule of law ang kapayapaan at kaunlaran.

Kung titingnan ang datos noong mga nakaraang taon, makikitang patuloy ang pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa Rule of Law Index: mula sa ika-51 na puwesto noong 2015, bumagsak ito sa ika-102 noong 2021 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bahagyang tumaas lamang ang bansa sa ika-97 na puwesto noong 2022, ngunit muling bumaba ito nang tatlong puwesto ngayong taon. Kung ihahambing naman sa mga karatig-bansa natin, ikatlo ang Pilipinas sa Silangang Asya na may pinakamababang score ng rule of law. Sa madaling salita, nananatiling mahina ang rule of law sa Pilipinas.

Hindi nakagugulat na wala pa ring gaanong pagbabago sa kalagayan ng rule of law sa bansa matapos ang higit na isang taon ng administrasyong Marcos Jr. Nananatiling normal ang kwestyonableng alokasyon ng milyun-milyong confidential funds—o bilyun-bilyon para sa Office of the Presidentna kinukuha sa pera ng bayan at exempted sa masusing pagsisiyasat ng Commission on Audit. Nananatiling pinakamapanganib na bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga environmental defenders. Patuloy na nakararanas ng red-tagging, harassment, at karahasan ang mga aktibista, mamamahayag, NGOs, pati na ang mga mambabatas at ordinaryong mamamayang nananawagan lamang ng transparency at accountability mula sa gobyerno. Batay sa datos na nakalap ng grupong Karapatan, may 78 political prisoners, 60 extrajudicial killings, at 8 enforced disappearances sa unang taon pa lamang ng administrasyong Marcos Jr. Laganap pa rin ang impunity at halos wala pa ring napapanagot at napaparusahan sa mga paglabag ng gobyerno sa karapatang pantao ng mga mamamayang dapat nitong pinaglilingkuran.

Pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang rule of law. Sa kanyang mensahe sa mga abogado noong Agosto, idiniin ni Pope Francis na ang rule of law ay itinataguyod upang paglingkuran ang tao. Naglalayon itong protektahan ang dignidad ng bawat isa. Walang exempted sa rule of law, lalong-lalo na ang mga nasa poder na iniluklok ng taumbayan.

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin sa Deuteronomio 16:19 na “huwag [nating] pipilipitin ang katarungan at huwag [tayong] magtatangi ng tao.” No one is above the law. Ngunit nakalulungkot na hindi ito ang katotohanan sa mga bansang katulad ng Pilipinas. Matamlay at hindi patas ang paglapat ng rule of law dito, lalo na kapag ang mga makapangyarihan at mga kaalyado nila ang lumalabag sa batas at umaapak sa karapatang pantao ng mga tinuturing nilang kalaban. Bagamat ito ang realidad ngayon sa ating bansa, hindi ibig sabihing wala na tayong magagawa. Ipaglaban nating manaig ang rule of law na magtatanggol sa dignidad ng bawat isa at magtataguyod sa isang malaya, maunlad, at demokratikong lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,946 total views

 14,946 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 23,614 total views

 23,614 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 31,794 total views

 31,794 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 27,801 total views

 27,801 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 39,852 total views

 39,852 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 14,947 total views

 14,947 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 23,615 total views

 23,615 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 31,795 total views

 31,795 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 27,802 total views

 27,802 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 39,853 total views

 39,853 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,580 total views

 55,580 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,585 total views

 84,585 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,149 total views

 105,149 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,074 total views

 87,074 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,855 total views

 97,855 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,911 total views

 108,911 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,773 total views

 72,773 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,202 total views

 61,202 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,424 total views

 61,424 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,126 total views

 54,126 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top