Batas na magbabawal sa paggamit ng fossil fuel, iginiit ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,876 total views

Pinangunahan ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang pagtataguyod ng pagbabago para sa kalikasan sa buong Negros Island.

Ayon kay Bishop Alminaza, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace (CBCP-ECSA-JP), kailangan nang isulong ang paglikha ng mga konkretong polisiya upang tuluyan nang mahinto ang mapaminsalang fossil fuels.

Sinabi ng obispo na ito’y hudyat din upang higit pang kilalanin ang paggamit at paglipat sa renewable energy na abot-kaya, malinis, at ligtas sa kapaligiran at kalusugan ng mamamayan.

“We need firm policies that would finally end the use of fossil fuels in the Negros Island and remove barriers to the development and utilization of Renewable Energy,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Iginiit ni Bishop Alminaza na ang sama-samang pagtutulungan ng mamamayan ay malaki ang maitutulong upang makalikha ng magandang kinabukasan sa Negros Island at mamamayan nito.

Ang Negros Island ay tinaguriang renewable energy capital ng Pilipinas na may power generation plants na lumilikha ng halos 100 porsyento ng malinis na enerhiya.

Gayunman, hindi ito lubos na nagagamit at napapakinabangan ng mamamayan dahil sa kakulangan ng suporta at pagtangkilik ng lokal na pamahalaan.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa pamahalaang panlalawigan at iba pang lokal na pamahalaan ng Negros Island na paigtingin ang pagsusulong sa paggamit ng malinis na enerhiya upang mapakinabangan ng higit na nakararami.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang apostolic exhortation na Laudate Deum, ang higit pang pagpapaigting ng magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan mula sa lumalalang epekto ng climate crisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi nakatutuwang biro

 19,181 total views

 19,181 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 53,050 total views

 53,050 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 205,105 total views

 205,105 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Para sa isang smartphone?

 230,015 total views

 230,015 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 267,946 total views

 267,946 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 36,343 total views

 36,343 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top