Radio Veritas at Parish of St. Therese of the Child Jesus, nagsagawa ng gift giving

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,525 total reads

Tungkulin ng simbahan na tulungan ang mga nangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Father Uldarico Dioquino – Attached Priest ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Therese of the Child Jesus, Marikina city.

Kasama ang Radio Veritas, isinagawa sa dambana ang gift-giving sa mga mahihirap na pamilya na nasasakupan ng parokya.

Sa gift giving, inihayag ni Fr. Dioguino na inatasan ng panginoon ang bawat isa na maging daluyan ng pagmamahal sa kapwa.

“Ang sabi po ng Santo Papa, tayo ay magmahal sa ating kapwa tao, lalo na sa mga taong nangangailangan at kapag tayo po ay tumulong sa mga nangangailangan ay tinutulungan po natin ang Panginoong Hesus, ang ating sarili at ang kapwa. So tatlo po ang nakikinabang kapag tumutulong tayo, Panginoon, kapwa po natin at sarili po natin,” pahayag ni Father Dioquino sa Radio Veritas.

Inaayayahan ng Pari ang mga nangangailangan na kailanman ay huwag mahihiyang lumapit sa simbahan dahil mananatili itong bukas upang kalingain ang mga mahihirap.
Sa tala, sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Therese of the Child Jesus at Immaculate Conception Parish sa Marikina City na parehong nasasakupan ng Diocese of Antipolo, umabot sa 80-mahihirap na mamamayan at street dwellers ang napamahagian ng suplay ng pagkain bilang paggunita sa World Day of the Poor at nalalapit na panahon ng kapaskuhan.

“Kami po ay tumutulong sa mga nangangailangan, sa abot ng aming makakaya kasama kayo po na katuwang namin, yung mga kapatid natin diyan na nangangailangan, wag kayong mahihiyang lumapit sa amin sa simbahan, at ang Caritas Manila at ang Radio Veritas ay handa po kayong tulungan sa abot ng amin pong makakakayanan, bukas po ang Caritas Manila, Radio Veritas at ang simbahan para po sa inyo na tumulong.”paglilinaw ni Fr. Dioquino

Patuloy naman ang paghahanda ng ibat-ibang diyosesis sa paggunita ng ikapitong World Day of the Poor sa Linggo, November 19 upang ilaan ang mga programa at inisyatibong magtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 7,469 total reads

 7,469 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 48,967 total reads

 48,967 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 83,094 total reads

 83,094 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 139,500 total reads

 139,500 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top