Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinakabulok na institusyon?

SHARE THE TRUTH

 22,094 total views

Mga Kapanalig, sa pagsusumite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Senado ng General Appropriations Bill dalawang Sabado na ang nakararaan, iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na “categorically abolished” na ang pork barrel o discretionary funds ng mga mambabatas. 

Ang pork barrel ay tumutukoy sa pampublikong pondong ibinibigay sa mga congressman at senador, gayundin sa ibang opisyal ng gobyerno, para sa mga proyektong gusto nilang pagkagastusan. Kaya ito discretionary; bahala na ang tumatanggap ng pondo kung saan-saan niya gagastusin ang alokasyon niya. Ang alokasyong ibinibigay sa mga mambabatas ay tinatawag noong Priority Development Assistance Fund o PDAF. 

Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema ang PDAF na unconstitutional o labag sa ating Saligang Batas. Wala raw itong kinalaman sa oversight function o trabaho ng mga mambabatas na subaybayan ang ginagawa ng ibang sangay ng pamahalaan. Abuso rin daw sa kanilang kapangyarihan ang pagtutukóy nila ng mga proyektong paggagamitan ng kanilang PDAF.

Ayon kay Speaker Romualdez, tumatalima ang Kongreso sa desisyong ito ng Kataas-taasang Hukuman. Ngunit kabaligtaran nito ang ipinahiwatig kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa isang TV interview, sinabi ng dating presidenteng “unlimited” ang pork barrel sa Mababang Kapulungan. Kung siya ang tatanungin, dapat din daw ipa-audit si Speaker Romualdez at lahat ng kongresista upang malaman kung paano nila ginastos ang perang mula sa ating buwis. Tinawag pa niya ang Kongreso na “most rotten institution” o pinakabulok na institusyon sa bansa. 

Mabigat ang paratang na ito mula sa isang dating lider na hindi kailanman isinapubliko ang kanyang assets, liabilities, at net worth habang nanunungkulan siya. Bilang isang pribadong mamamayan na ngayon, karapatan ng dating pangulo na magbigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. Ngunit ang opinyong hindi nakabatay sa malinaw na ebidensya o layon lamang na manira ay ingay lamang. 

Makatutulong din sigurong alamin kung paano pinahalagahan ng nakaraang administrasyon ang integridad at katapatan ng mga lingkod-bayan, lalo na ng mga mambabatas. Ano ang naaalala nating kahanga-hangang ginawa ng mga kongresista noong panahon ni dating Pangulong Duterte? Gaano kakampante ang dating presidente na naging malinis ang Kongreso sa ilalim ng kanyang administrasyon? Magiging bukás din ba siyang ipaalam ng kanyang anak na si Vice President Sara kung paano ginastos ng kanyang opisina ang 125 milyong pisong confidential funds sa loob lamang ng labing-isang araw?

Sa isang demokrasya, mahalaga ang integridad ng mga institusyon. Maging ang Santa Iglesia ay naninindigang binabaluktot ng katiwalian ang papel ng mga institusyong binubuo ng mga hinirang na kinatawan ng taumbayan. Pinakakonkretong halimbawa ng institusyong ito ang Kongresong binubuo ng mga pinili nating maging boses sa paggawa ng mga batas at pagpapasya kung paano gugugulin ang pera ng bayan. Bagamat laging nariyan ang tuksong gumawa ng katiwalian ang mga taong bumubuo at nagpapatakbo ng mga institusyong ito, manaig sana ang paalala sa Exodo 23:8: “[Ang katiwalian] ay bumubulag sa tao sa katuwiran at ikinaaapi naman ng mga walang sala.” 

Gayunman, mga Kapanalig, ang mga tiwali sa gobyerno—may PDAF man o wala—ay gagawa at gagawa ng paraan upang mapakinabangan ang kapangyarihang tangan nila para sa sariling interes. Papaikutin nila ang batas o gagamit sila ng mga koneksyon upang makapagnakaw at maitago ito sa mata ng publiko. Patunayan sana ng kasalukuyang administrasyon—lalo na ng Kongreso—na hindi nabubulok ang mga institusyon ng pamahalaan. Patunayan nilang mali ang paratang ng sinundan nilang mga pinuno. Para sa mga dating lider naman, pagnilayan nawa nila ang kanilang mga ginawa upang linisin ang gobyerno. Wika nga sa Mateo 7:3: “Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata?”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,701 total views

 16,701 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,801 total views

 24,801 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,768 total views

 42,768 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,944 total views

 71,944 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,521 total views

 92,521 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,702 total views

 16,702 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 24,802 total views

 24,802 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,769 total views

 42,769 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,945 total views

 71,945 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 92,522 total views

 92,522 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,855 total views

 85,855 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 96,636 total views

 96,636 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 107,692 total views

 107,692 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 71,554 total views

 71,554 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,983 total views

 59,983 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,205 total views

 60,205 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,907 total views

 52,907 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,452 total views

 88,452 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,328 total views

 97,328 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,406 total views

 108,406 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top