Pari, nanawagang ipagdasal ang seguridad ni de Lima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,553 total reads

Naniniwala si Fr. Flavie Villanueva, SVD na mahalagang ipanalangin ang seguridad at kaligtasan ni dating Senator Leila De Lima.

Ito ang bahagi ng pahayag ng Pari, founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na may programang Paghilom para sa mga biktima ng marahas na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte at nagsilbi ring spiritual adviser ng dating mambabatas matapos makalaya makalipas ang halos pitong taong pagkakakulong.

Ayon sa Pari, mas higit ng lantad sa karahasan at kapahamakan si De Lima matapos na makalaya kaya naman mahalagang ipanalagin ang kanyang kaligtasan at seguridad.

Tinukoy ni Fr. Villanueva ang libu-libong nasawi sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte na nagdulot ng takot sa mga mamamayan.

“Yung panalangin, isa lang, yung kaniyang safety and security. Yung kaniyang seguridad at kaligtasan, dahil sabi ko nga yung nagpakulong sa kaniya, wala namang iba kundi si Duterte ay nagpapapatay ng walang dahilan, ngayon na alam niya na lumaya ang isang tao na kinakatakutan niya, ay naiisip ko at hindi malayong isipin na magkakaroon siya ng dahilan na magpapapatay… Dahil nung nagpapatay siya ng libu-libung tao sa giyera kontra sa droga, there was really no threat, the war on drugs was just an excuse to inflict fear and that was the only reason that thousand were killed.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva sa Radio Veritas.

Matatandang makalipas ang halos pitong taong pagkakakulong ay tuluyan ng nakalaya si De Lima noong ika-13 ng Nobyembre, 2023 matapos na payagan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang paglalagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P300,000 kasama ang iba pang mga akusado na sina former Bureau of Corrections chief Franklin Bucayu, dating driver-body guard Ronnie Dayan, police asset Jose Adrian Dera at security aide Jonnel Sanchez.

February 2017 ng sampahan ng kaso at arestuhin si De Lima kaugnay sa kasong may kinalaman sa illegal na droga, kabilang na ang alegasyon ng pagbebenta ng illegal na droga ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison upang pondohan ang kanyang kandidatura bilang senador noong 2016.

Sa kasalukuyan, isa na lamang sa tatlong kaso ang kinakarahap ni De Lima, matapos na mapawalang sala ng hukuman sa ilan pang mga naunang kasong kinasangkutan dahil na din sa pagbawi ng mga testimonya ng mga testigo na una ng nagdiin sa dating mambabatas.

Una ng nagpahayag ng suporta at pabati ang ilang mga opisyal ng Simbahang Katolika sa paglaya ni De Lima na naniniwalang hindi kailanman maitatago o maikukulong ang katotohanan at katarungan na dapat na manaig sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 54,405 total reads

 54,405 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,843 total reads

 87,843 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 189,669 total reads

 189,669 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 230,226 total reads

 230,226 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 248,528 total reads

 248,528 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,617 total reads

 50,617 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top