Kabataan, regalo ng panginoon sa pagpapatatag ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,930 total reads

Itinakda sa Diyosesis ng Calbayog ang susunod na Regional Youth Day 2026 na pagtipon-tipon ng mga kabataang mananampalataya ng Central at Eastern Visayas region.

Sa pagtatapos ng apat na araw na pagtitipon ng mga kabataan sa rehiyon na naganap sa Diyosesis ng Tagbilaran noong ika-16 hanggang ika-19 ng Nobyembre, 2023 ay inihayag na ang magsisilbing host ng 7th Regional Youth Day 2026 ay ang Diyosesis ng Calbayog.

Pinangunahan ni Diocese of Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon ang closing mass kung saan binigyang diin ng Obispo na ang mga kabataan ay hindi basta pag-asa o kinabukasan ng Simbahan sa halip ay isang regalo ng Panginoon upang mapatatag ang Simbahan sa kasalukuyang panahon.

Paliwanag ng Obispo, mahalaga para sa Simbahan ang angking talento, kakayahan at liksi na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat kabataan.

“It is a great joy to see you here gathered together as God’s wonderful gifts to the church. We truly appreciate your presence, we truly appreciate what you have done in the church, we truly appreciate your individual talents and capacities as young people of our church. Many people will say that you are the future of the church, you are not, you are the present of the church, you are a gift wonderful gift to the church.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Parcon.

Batay sa tala, umabot ng halos isang libo ang mga nakibahaging delegado sa katatapos lamang na Regional Youth Days ng mga kabataang mananampalataya ng Central at Eastern Visayas na nagmula sa mga Arkidiyosesis ng Cebu at Palo, Diyosesis ng Maasin, Talibon, Calbayog, Borongan, Catarman, Naval, Dumaguete at Tagbilaran.

Tema ng naganap na pagtitipon ang ‘Mary Arose with Haste’ na hango sa tema ng World Youth Day 2023.

Layunin ng pagtitipon na ibahagi sa mga kabataaang hindi nakadalo sa pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan sa Lisbon, Portugal ang mga karanasan at aral na natutuhan ng mga delegado sa pagsasabuhay sa misyon ng Simbahan na maging sinodal na handang makilakbay sa bawat mananampalataya sa kabila ng pagkakaiba ng lahi, tradisyon at lipi na kinabibilangan.

Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang Banal na Misa sa pagbubukas ng Regional Youth Days noong ika-16 ng Nobyembre, 2023 kung saan binigyang diin ng Obispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 26,892 total reads

 26,892 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 46,233 total reads

 46,233 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 162,012 total reads

 162,012 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 282,592 total reads

 282,592 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 330,471 total reads

 330,471 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top