Christcentric, sentro ng Traslacion-Fr. Pascual

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 321 total reads

Tunay na nakasentro sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang debosyon ng mga deboto na nakilahok sa Traslacion.

Dahil dito, naniniwala si Radyo Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual, na magpapatuloy ang debosyon ng milyong-milyong deboto ng imahen.

“Maganda talaga dito nakita natin yung patuloy na tradisyon ng panata. yung personal vow ng ating kababayan sa Poon. Maganda kasi Christcentric ang focus no. Walang intermediary na tao, walang powerful, charismatic leader behind, napansin nyo? Walang Charismatic leader behind diretso sya, ang mga tao na namamanata diretso sa imahe sa ating Panginoon “Chriscentric”. Kaya sustained ang tradisyon no. Kapag sustained, hindi kagaya ng ibang may charismatic leader. Kaya kapag nawala na yang charismatic leader tendency non bumaba na. Hindi kagaya nito for so many hundred years, tuloy tuloy ang debosyon kasi Christcentric at tsaka naka tuon sa imahe. Yan ang nakita kong reflection dyan.” ayon pa sa pari.

Pahayag pa ni Fr. Pascual, nasasalamin sa Traslacion na tunay na naghihimala sa buhay at nakikiisa sa paghihirap ng tao ang Panginoon kaya’t patuloy ang mga deboto na nakikibahagi sa Traslacion.

“Pero syempre reflection natin dyan syempre ang poon ay talagang naghihimala sa buhay ng tao at nakikiisa sa pag hihirap nang tao.” Yung poon yung napansin nyo kahit sya nakapasan yung krus nakatuwid padin yung likod nya. Tuwid ang likod, parang pinapasan yung pag hihirap natin with dignity and solidarity kaya marami talagang nararamdaman yung naiibsan ang kanilang pag hihirap kapag sila ay kumakapit sa poon. Iba yung charismatic, charismatic spirituality, iba rin tong debosyon sa Poong Nazareno, merong difference e, napansin ko.” pahayag ni Fr. Pascual.

Ayon pa sa pari, nawa ay magpatuloy ang pagiging matagumpay at walang nagbubuwis ng buhay sa Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Labis din itong nagpapasalamat dahil generally peaceful ang makasaysayang okasyon o “zero casualty” bagamat may mga bahagyang nasugatan at nahimatay na hindi maiiwasan.

Napansin din ng pari na kapag malawak ang kalsada na dinaraanan ng Traslacion, hindi maiiwasan na marami ang nasasaktan dahil sa dito dumadagasa ang tao at nagpapabagal sa prusisyon kumpara sa mga malilit na kalsada.

“Well, basically at least wala akong narinig na namatay at buti nag text nga kami ni Msgr. Ding Coronel at yan “Zero Casualty”. Ipagdasal natin na maging matagumpay, magbunga, mabiyaya ang traslacion at walang mamatay. Pero yung sugatan nga syempre hindi maiiwasan itong maraming sugatan, nahimatay alam naman. Dahil nga, kasi dati alam mo a few years ago sumakay ako dyan e. Sumakay ako sa “Andas” at alam natin pag malaki yung kalsada bumabagal ang prusisyon kasi maraming tao. Baliktad, pag malapad ang kalsada mabagal. Kasi dumadagsa ang tao e. pag masikip ang kalsada, mabilis at nakita ko mukhang doon maraming naiipit na nasasaktan kapag maliliit ang kalsada at puro kalalakihan alam naman natin yan no.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Traslacion 2017, sa pagtaya ng Pulisya, nasa 2.5 milyon ang nakibahaging deboto na humihingi ng awa, gabay, pagpapala at nagpapasalamat sa biyayang natanggap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 22,895 total reads

 22,895 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 243,512 total reads

 243,512 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 278,185 total reads

 278,185 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 294,085 total reads

 294,085 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 328,970 total reads

 328,970 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 231,192 total reads

 231,192 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 366,750 total reads

 366,750 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top