Debosyon sa Itim na Nazareno, ipagpapatuloy ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

 346 total views

Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na habang tumatagal ay mas lalaki pa ang bilang ng mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon sa obispo, nagagalak naman siya sa mga ulat, na dagsa ang mga kabataan sa Traslacion ng imahen dahil tanda ito na ang debosyon ay magpapatuloy dahil sa mga kabataan.

Dagdag ni Bishop Bacani, tanda ito na may pag-asang naghihintay para sa lahat ng mga mananampalataya.

“Dahil sa kabataan, ang dami na nilang dumadalo sa debosyon ito ay isang tanda na ang debosyong ito ay nagpapatuloy at hindi mamamatay dahil mga kabataan na ang sumasali dito ngayon yan ang unang napakagandang sign ng pagasa para sa lahat.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, pinayuhan ng obispo ang mga deboto ng Itim na Nazareno na sabayan ng pagpapalalim ng pananampalataya ang kanilang debosyon.

Dagdag ni bishop Bacani, maganda rin ang ginagawang pagpapaliwanag ng mga namamahala sa Quiapo Church bago ang bawat Misa para na rin maliwanagan pa ang mga tao sa tunay na kahalagahan ng pagpapalalim ng pananampalataya.

“Harinawa itong pagdami ng deboto sabayan natin ng pagpapalalim ng kanilang kaalaman tungkol sa ating pananampalataya. Sa Quiapo Church maganda ang pagpapaliwanag na ginagawa bago mag-Misa. Kahapon, mismong araw ng Traslacion bago mag-Misa merung paliwanag na magandang ginagawa. Hariwana, atin itong ipagpatuloy na gagawin upang ang pananampalataya ng mga tao ay enlightened o naliliwanagan at hindi lamang emosyon o religiosity. Kapag ito ay may diwa talagang pinapakita nito ang buhay ng Diyos, buhay ng ordinaryong tao na ang kanya espiritu ay kumikilos kahit sa mga sinasabi nating maliliit, hindi masyadong nakapag-aral, kahit hindi Teologo talagang ang Holy Spirit at nandiyan at pinapakita nilang presensiya ng Espiritu ay sa alab ng kanilang pagmamahal sa Panginoon,” ayon pa sa obispo.

Samantala, generally peaceful ang Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazereno na tumagal ng 22 oras dahil walang naitalang anumang untoward incident at walang casualties.

Ayon naman kay NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 2.5 milyon ang kanilang crowd estimate sa mga nakilahok sa Traslacion ngayong taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,173 total views

 80,173 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,177 total views

 91,177 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,982 total views

 98,982 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,221 total views

 112,221 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,727 total views

 123,727 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 111,291 total views

 111,291 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top