Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 89,267 total reads

Nalalapit na naman ang pasko, at para sa mga Pilipino, ito rin ay panahon ng regalo. At kung dati rati ay sa shopping malls at tiangge ang punta ng tao, ngayon, may bagong option na tayo, ang online shopping.

Napakarami na sa atin ang nag-o-online shopping na ngayon. Mas convenient na kasi, at sa maraming pagkakataon, mas mura kaysa sa mall. Hindi na rin kailangan makipagtagisan sa kalye para lang makabili, o makipagsiksikan sa mga tindahan. Dahil sa dami ng nag-o-online shopping ngayon, mabilis na lumago ang e-commerce sa ating bansa.

Ayon nga sa Philippine E-commerce Association (PECA), mabilis at tuloy- tuloy ang growth o paglago ng industriya. Pangatlo na nga tayo sa Southeast Asia pagdating sa e-commerce growth. Kada buwan, tinatayang umaabot sa mahigit kumulang P2.3 billion ang sales mula sa e-commerce sa ating bansa. Mga walong milyon ang mga online sellers natin.

Magandang balita ito kapanalig, dahil maraming mga kababayan natin ang natutulungan nito. Hindi lamang ito nagpapalawig ng mga options ng mga mamimili, pinapalaki din nito ang market ng mga maliliit na negosyante. Malaki rin ang ambag nito sa ating ekonomiya. Magandang biyaya ito, pero kailangan pa natin pangalagaan ang industriya na pinakikinabangan nating lahat.

Unang una, dahil digital platforms ang gamit ng e-commerce, kailangang nating tiyakin na maayos din ang internet connectivity sa ating bansa. Kailangan mas marami ang maka-access sa internet upang patuloy pa ang paglago ng industriya, at mas marami pang mga Filipino ang makagamit nito, hindi lamang para bumili, kundi para kumita.

Kailangan din natin tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa industriyang ito. Napakarami ng mga scams sa internet, at ang e-commerce industry sa bansa ay talamak sa mga scammers. Ayon nga sa 2023 Asia Scam Report, ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang na e-shopping scams sa labing-isang bansa na na-survey sa Asya. Umaabot ng 35.9% ang shopping scam rate sa atin. Ngayong darating na kapaskuhan, maaaring tumaas pa ito dahil mas marami ang nag-o-online Christmas shopping.

Kapanalig, ang online shopping ay isa sa mga biyaya ng teknolohiya na nakakatulong sa mamamayan – nagbibigay ng ginhawa sa marami at tumutulong pa sa kabuhayan. Kaya lamang, gaya ng aktwal na pamimili natin sa mga tindahan, may kaakibat itong mga katiwalian na dapat nating bantayan. Ang katiwalaan at panloloko sa online shopping ay walang pinipiling biktima – mayaman man o mahirap, lolokohin at lolokohin nito para lamang sa pera.

Ang internet, sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa Roman Catholic Church’s World Day of Communications noong 2016, ay isang regalo. Ang regalong ito ay kailangang bantayan at pangalagaan. Ayon nga sa Pontifical Council for Social Communications, kailangang may “self-disciplined approach” tayo sa teknolohiyang ito, upang magamit natin ito ng may talino at para lamang sa kabutihan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 154,980 total reads

 154,980 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,110 total reads

 186,110 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,234 total reads

 220,234 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,640 total reads

 276,640 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 154,981 total reads

 154,981 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,111 total reads

 186,111 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,235 total reads

 220,235 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,641 total reads

 276,641 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top