Itaguyod ang pagsusulong ng karapatang pantao-DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,244 total reads

Naniniwala ang Department of the Interior and Local Government na ang pangangalaga at pagsusulong sa karapatang pantao ang saligan ng matatag at maunlad na republika.

Ito ang mensahe ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa paggunita sa National Human Rights Consciousness Week (NHRCW) 2023 mula December 4-10.

Ayon kay Abalos, ang paggalang sa karapatang pantao ay nangangahulugan ng pagbibigay ng karapatan sa bawat mamamayan para sa mga serbisyo ng pamahalaan, katarungan at kaligtasan mula sa anumang panganib, at pagtamasa ng kalayaan.

“Without respect for human rights, we can’t achieve lasting peace and genuine development,” pahayag ni Abalos.

Sa pangunguna ng Commission on Human Rights, ginugunita ang NHRCW ngayong taon na may temang “Dignidad, Kalayaan, at Katarungan para sa Lahat” na sumasalamin sa mayabong na adhikain ng Komisyon upang pangalagaan ang karapatan ng lahat.

Kasabay din nito ang ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).

Samantala, hinimok naman ni Abalos ang lahat ng local chief executive na maglunsad ng mga programa bilang pagsuporta sa Human Rights Week upang matulungan ang mga kinasasakupan na higit na maunawaan ang tema ng pagdiriwang ngayong taon.

Gayundin ang apela sa Philippine National Police na igalang at pahalagahan ang karapatan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng wastong pagpapatupad at pagsunod sa international human rights standards and practices.

“Patuloy tayong manindigan sa mandato ng pamahalaan na maging tagapagbantay at tagapagtaguyod ng karapatang pantao ng bawat Pilipino, anumang edad, kasarian, relihiyon, o antas ng pamumuhay,” saad ni Abalos.

Patuloy naman ang paninindigan ng simbahan sa pagsusulong para sa pantay na karapatan ng bawat mamamayan tungo sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 90,184 total reads

 90,184 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 167,480 total reads

 167,480 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 200,928 total reads

 200,928 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 236,227 total reads

 236,227 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 459,243 total reads

 459,243 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,114 total reads

 158,114 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top