Caritas Manila, tiniyak ang patuloy na paglingap sa mga maralita sa taong 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,636 total views

Nagpapasalamat ang opisyal ng Caritas Manila sa lahat ng nakikiisa sa adbokasiya ng simbahan na maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.

Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulong Radyo Veritas sa pagbubukas ng taong 2024.

Ipinapaabot din ng pari ang pasasalamat sa lahat ng mga nakipagtulungan sa misyon ng Caritas Manila kabilang na ang mga donor, benefactor at partnered-agencies o Non-government Organization (NGO’s).

“Lubos ang aming pasasalamat sa inyong pagtitiwala naway magtiwala pa tayo sa pagpasok ng 2024 sa ating mga donations, pledges, at tithing upang marami pang mahihirap ang makadama ng pag-ibig at katarungan ng Diyos na buhay. So, para sa ating mga donors at benefactors, mga Kapanalig, pagpalain kayo ng Diyos! Siksik, liglig at umaapaw sa inyong kagandahang loob,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Pascual.

Paalala pa ng Pari ang patuloy na pakikiisa ng mga mamamayan higit na ng mga mananampalataya sa mga programa ng Caritas Manila na higit na papalawigin at isusulong ang pagpapakain sa mga nagugutom, pagpapaaral sa mga kabataan at pagbibigay ng kabuhayan sa mga pinakanangangailangan sa buong Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anumang makakakayanang halaga sa Caritas Manila o pakikiisa sa mga Segunda Mana Stores upang makalikom ng sapat na pondong inilalalaan para sa mga programa ng Caritas Manila.

“Sa mga Kapanalig, tayo po ay nagpapasalamat sa Diyos at sa ating mga Kapanalig sa pagtatapos ng 2023 marami po tayong natulungan mga mahihirap sa buong bansa lalung-lalu na sa kalakhang Maynila sa mga programa at proyekto ng Caritas Manila,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Sa tala ng Caritas Manila, noong 2020 hanggang 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 Pandemic ay higit sa P2-bilyong ang nalikom at nailaan sa mga naapektuhan ng pandemya.

Taong 2022, higit sa P111-milyon piso naman ang nailaang pondo para sa scholars sa ilalim Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP at higit sa 30-libong pamilyang nasalanta ng ibat-ibang uri ng kalamidad ang natulungan sa nalikom na donasyon ng Caritas Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,804 total views

 54,804 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,673 total views

 50,673 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,875 total views

 86,875 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,344 total views

 95,344 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 120,082 total views

 120,082 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top