Mananampalataya, hinimok na ipagdasal na magkaroon ng Obispo ang 9-sede vacante sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,465 total views

Ipinagkatiwala ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad sa Panginoon ang kanyang bagong misyong gagampanan bilang tagapangasiwa ng Diocese of Pagadian.

Ito ang mensahe ng arsobispo makaraang italaga ng Santo Papa Francisco bilang apostolic administrator ng Pagadian kasunod ng pagpanaw ni Bishop Ronald Lunas.

Batid ni Archbishop Jumoad ang kaakibat na hamon sa pansamantalang pangangalaga sa kawan ng Pagadian subalit sa tulong at gabay ng Panginoon ito ay kanyang mapagtatagumpayan.

“Kahit ito ay krus na idinadagdag sa aking krus dito sa Archdiocese of Ozamiz but I have to trust the Lord that the Lord will always abide us, will always remain in us , will always guide us. Have faith, and trust and be always faithful to whatever He will do for His greater glory and to His people.” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Isa ang Pagadian sa mga suffragan dioceses ng Ozamiz kasama ang Iligan, Dipolog at Marawi.

Kasunod ng pagpanaw ni Bishop Lunas, nasa siyam na mga diyosesis na sa bansa ang sede vacante kabilang na ang Alaminos, Baguio, Balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, San Pablo at Tarlac.

Apela ni Archbishop Jumoad sa mananampalataya ang mga panalangin upang pagkalooban ng Panginoon ng pinunong pastol ang siyam na mga bakanteng diyosesis.

“We have to pray and ask the Lord for guidance at makapagbigay then ang Santo Papa makapili talaga ng pari na ilagay sa mga bakanteng dioceses.” ani ng arsobispo.

Tinuran ni Archbishop Jumoad na lahat ng pari ay makasalanan at hindi karapat-dapat sa pagiging obispo ngunit sa gabay ng Diyos at puspos ng Espiritu Santo ay makapipili ng mga mabuting pastol na mangangalaga sa kawan ng siyam na diyosesis.

Bukod sa mga sede vacante na diyosesis ilan pang obispo ang naabot na ang mandatory retirement age na 75 taong gulang kabilang na si Archbishop Rolando Tria Tirona ng Caceres (77); Virac Bishop Manolo Delos Santos (76); Cubao Bishop Honesto Ongtioco (75) at; Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud (75).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,103 total views

 17,103 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,117 total views

 67,117 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,986 total views

 62,986 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,028 total views

 99,028 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,863 total views

 106,863 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top