Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 163,302 total reads

Kapanalig, malaking isyu pa rin ang jeepney phaseout sa ating bayan. Bagong taon na, pero lumang problema pa rin ang ating kinakaharap.

Ang modernisasyon ng ating transport sector, kapanalig, ay magandang hakbang. Lahat naman tayo makikinabang dito. Kaya lamang, bakit nga tila, sa pananaw ng marami nating mga pinuno, obstacle o hadlang ang mga jeepneys sa kasulungan ng transport sector?

Ang mga karaniwang rason na nilalatag para sa transport modernization ay ang polusyong dala ng mga jeep, safety issues, makalumang design na hindi na angkop sa ating panahon  ngayon, at iba pa. Nakasentro ang maraming mga dahilan ng jeepney phaseout sa kalagayan ng mga jeeps sa bayan. Nakaligtaan naman dito ang kalagayan ng mga drivers at operators na umaasa sa kita mula sa mga jeepneys na ito. Tinatayang mga 140,000 na drivers at 60,000 na operators ang mawawalan ng kabuhayan dahil sa jeepney phaseout.

Maaaring sabihin natin na may transition period naman itong phase out na ito. Kaya lamang sa transisyon na ito, hirap pa rin ang nga jeepney drivers at operators dahil malaking halaga ang kakailanganin dito, halaga na hirap nilang bunuin luma man o kahit bago pa ang kanilang mga jeeps.

Maliban sa presyo, marami ring drivers at operators ang nag-aagam agam sa requirement na pagsanib sa mga kooperatiba. Hindi lahat ay kampante na makasali dito dahil sa kanilang edad at siyempre hawak na pera. Marami rin ang nangangamba na bubuwagin nito ang mga grupong kanilang inorganisa para sa kanilang proteksyon. Liban pa dito, kahit pa makapagtaguyod sila ng kooperatiba, 15 na jeepneys ang kailangan ng isa upang mabigyan ng prangkisa. Kung susumahin ang halaga ng mga makabagong jeepneys, kakayanin ba ng mga maliliit na kooperatiba ang halaga nito, kasama pa ang halaga ng prangkisa? Para sa kanila, mga mayayamang grupo lamang ang makaka-afford nito.

Ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit tila na iitsa-pwera sa usapan ng modernisasyon ng transport sector ang ordinaryong jeepney driver at operator. Sa pakiramdam nila, hindi lamang ang jeepney o ang mga ruta ang pini-phase out, kundi pati sila. Kaya’t marami ang nagsasabi na anti-poor ang jeepney phaseout. Apektado rin nito ang mga ordinaryong mamamayan na naka-depende sa jeep sa pang-araw araw na biyahe.

Mahalaga ang pagpapatupad ng malawakang plano para sa modernisasyon ng sistema ng transportasyon. Para sa kaunlaran natin lahat yan. Kaya lamang, sa ating pagnanais na umunlad, iniiwan naman natin ang mga maralita. Hindi lamang ito isang teknikal na isyu, ito ay ukol din sa buhay ng marami nating mga kababayan. Gawin sana natin ang tamang hakbang na makabubuti para sa lahat, upang mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang sambayanang Pilipino. Paalala nga sa atin ng Gaudium et Spes, na sana’y dinggin ng ating mga pinuno: As for the State, its whole raison d’etre is the realization of the common good in the temporal order. It cannot, therefore, hold aloof from economic matters…It has also the duty to protect the rights of all its people, and particularly of its weaker members, the workers, women, and children.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 2,361 total reads

 2,361 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 75,538 total reads

 75,538 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 162,037 total reads

 162,037 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 205,072 total reads

 205,072 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 254,734 total reads

 254,734 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 2,362 total reads

 2,362 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 75,539 total reads

 75,539 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 162,038 total reads

 162,038 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 205,073 total reads

 205,073 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »
Scroll to Top