Programa laban sa human trafficking, palalakasin ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,980 total reads

Layunin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mapalawak ang mga impormasyon sa suliranin ng human trafficking sa mundo.

Ito ang mensahe ni Monsignor Bernardo Pantin – Secretary General ng CBCP upang magkaroon ng kamalayan ang mas maraming Pilipino at mapaigting ang panlipunang pagtugon o pagsugpo sa mga kaso ng humang trafficking, online sexual exploitation at slavery sa mga kabataan at mahihirap.

Ginawa ni Msgr. Pantin ang paninindigan sa turnover ng pangangasiwa ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) sa C-B-C-P mula sa Philippine Council of Evangelical Churches sa ikalawang National Day of Prayer Against Human Trafficking tuwing unang linggo ng Pebrero.

“Kaya itong 2nd Day of Prayers for National it’s more of awareness na itong problema talaga against human trafficking is malala talaga, not only here in the Philippines but all over the world kaya ito pinaglalaban talaga natin kasi alam natin yung bawat tao may dignindad at karapatang maging malaya, kaya we hope ito talaga itong sinasabing heinous crime is masugpo talaga siya.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Monsignor Pantin.

Inihayag ni Msgr. Pantin na layon din ng simbahan na mapaigting ang pagkakaisa ng mamamayan katuwang ang ibat-ibang komisyon ng CBCP masugpo ang laganap na krimen.
Tema ngayong taon ng “National Day of Prayer Against Human Trafficking ay “Paglalakbay na may Dangal, Makinig, mangarap at Kumilos” upang simulan na ang mga pagkilos o pagtatatag ng mga programa para sa mga biktima ng human trafficking.

“Kasi kailangan talaga ang pagtutulnugan ng bawat Pilipino, ng lahat natin, kasi ito sabi ko, malala talaga itong problema, minsan hindi na natin nalalaman, hindi na natin nakikita na mayroon ng mga biktima na pala maski siguro sa mga kapitbahay natin or sa mga kakilala natin, maraming nabibiktima nito, kaya dapat pagtulong-tulungan natin ito.” ayon pa sa mensahe ni Monsignor Pantin.

Noong Enero at Pebrero 2023 ay naitala ng Bureau of Immigration sa mahigit anim na libo ang naging biktima ng human trafficking at illegal recruitment sa Pilipinas.

Naitala naman ng United Nations On Drugs and Crimes, sa pagitan ng taong 2003 hanggang 2021, ay umaabot sa mahigit kalahating milyong ang biktima ng human trafficking sa ibat ibang bahagi ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 41,997 total reads

 41,997 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,361 total reads

 127,361 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,098 total reads

 174,098 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,970 total reads

 221,970 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 323,993 total reads

 323,993 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top