Mananampalataya, hinimok na makiisa sa ALWASE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,260 total views

Muling hinihikayat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, Inc. (LASAC) ang mananampalataya na suportahan ang inisyatibong pagbabawas ng mga gamit at gawing kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng pagbabahagi sa higit na nangangailangan.

Ito ay ang ALWASE o Archdiocese of Lipa’s Way of Almsgiving Towards Sanctification and Evangelization na nagmula sa tradisyong Batangueño na ‘alwas’, nangangahulugang paglilipat at paglilinis ng mga gamit upang mapakinabangan ng iba.

Ang inisyatibo ng social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa ay naayon din sa panawagan ngayong Kwaresma upang mag-ayuno, magkawanggawa, at mag-alay kapwa.

Sinabi ni Archbishop Gilbert Garcera sa kanyang liham-sirkular na ang pagpapaubaya sa mga hindi na kailangang ari-arian ay hindi lamang nag-aambag sa kapakanan ng mga nangangailangan, kun’di maging sa kalusugang pangkaisipan ng sarili.

“Participating in ALWASE is an opportunity for us to embody Pope Francis call to “Enlarge the Space of your Tent,” by willingly releasing items we no longer need, we make room for a deeper connection with God, fostering a community marked by compassion, generosity, and the Batangueño spirit of sharing,” saad ni Archbishop Garcera.

Naglabas din ng pastoral exhortation si Archbishop Garcera kaugnay sa programa ng LASAC upang higit na maunawaan at suportahan ang inisyatibong nagpapakita ng Batangueñong pamamaraan ng pag-aalay kapwa.

“Alay Kapwa is no longer just a call for renewal but a spirituality in living our faith as the Church of the Poo. This spirituality led us to be firm in our faith in listening to the voice of God and responding to the cry of the poor,” ayon kay Archbishop Garcera.

Kabilang sa mga gamit na maaaring ipamahagi sa kapwa ay mga tela at damit, mga libro, laruan, furniture o kasangkapan sa tahanan, at food storage containers.

Sa mga nais magbahagi, maaari itong dalhin sa tanggapan ng LASAC sa LAFORCE Building, Marawoy, Lipa City, Batangas o sa mga Ma-lasac-kit Bazaar sa mga parokya at paaralang saklaw ng arkidiyosesis.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa mga numerong 046-404-8057 local 139 o sa 0968-891-5708.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,702 total views

 25,702 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,716 total views

 75,716 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,585 total views

 71,585 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 107,303 total views

 107,303 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,451 total views

 114,451 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top