SecuRE Negros Program, suportado ng mga obispo ng Negros Occidental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,149 total reads

Nagkaisa ang mga obispo ng Negros Occidental bilang pagsuporta sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong sa paggamit ng renewable energy.

Sa inilabas na collegial statement, inihayag nina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Bacolod Bishop Patricio Buzon, at Kabankalan Bishop Louie Galbines na malaki ang maitutulong ng SecuRE Negros Program upang matiyak ang maayos na suplay ng kuryente at paggamit ng malinis na enerhiya sa lalawigan.

Ayon sa mga obispo, kailangan nang matugunan ang lumalalang pinsala sa kalikasan at epekto ng climate change sapagkat labis na itong nakakaapekto sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

“The earth, our common home, has been entrusted to us by the Creator, and it is our shared responsibility to safeguard its integrity for present and future generations. The SecuRE Program, with its focus on sustainable and renewable energy sources, aligns with our call to care for creation and to live out our faith in action,” pahayag ng mga obispo.

Paliwanag ng mga pastol ng Negros Occidental, ang paglipat sa renewable energy ay hindi lamang para sa kalikasan, kun’di para din sa ikabubuti ng lipunan.

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa SecuRE program ay higit na mapagtutuunan ang mga polisiya na naglalayong unahin ang kabutihan ng nakararami, igalang ang dignidad ng tao, at itaguyod ang mas makatarungang lipunan.

Nangako naman ang mga obispo na higit pang paiigtingin sa mga kinasasakupang diyosesis ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa kahalagahan ng renewable energy, gayundin ang pagsuporta sa mga inisyatibong may kinalaman sa pangangalaga sa kalikasan at mga polisiyang nagsusulong para sa malinis at ligtas na enerhiya.

“Let us work together in harmony and with resolute purpose to achieve a just energy transition that respects our common home, promotes the well-being of every inhabitant of our province, and bears witness to our faith in a God who calls us to protect and cherish the gift of creation,” panawagan ng mga obispo.

Ilan sa mga renewable energy na maaaring magamit sa Pilipinas ay ang hydropower, geothermal, solar, wind power at biomass resources.

Batay sa 2017 report ng Philippine Electricity Market Corporation, nakatipid ng higit apat na bilyong piso ang bansa mula sa pamumuhunan sa renewable energy.

Sa Laudato Si’ ni Pope Francis, hinikayat ng Santo Papa ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang matugunan ang kakulangan sa kuryente, at palitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,841 total reads

 48,840 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,207 total reads

 134,206 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,942 total reads

 180,941 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,814 total reads

 228,813 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,430 total reads

 330,430 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,595 total reads

 169,595 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top