Apektado ng malawakang pagbaha sa Davao provinces, tutulungan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,662 total reads

Patuloy ang isinasagawang assessment ng Diocese of Tagum kaugnay sa pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao del Norte at Davao de Oro.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Rev. Arvin Uriat, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng diyosesis sa mga kinasasakupang parokya upang matukoy ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya.

Sa situation report ng diyosesis, nasa 19,300 pamilya o 67,300 indibidwal sa Davao de Oro ang apektado ng sama ng panahon, habang nasa higit 117-libong pamilya o 518-libong indibidwal naman sa Davao del Norte.

“Marami po talagang affected, halos lahat po kami dito sa Davao de Oro, Davao del Norte, at kahit nga po sa Davao Oriental, affected po talaga lahat. Kaya nga po pahirapan maghatid ng mga ayuda, ng tulong. Bukod po sa mga daanan, marami pong mga tulay na hindi na madaanan. Na-damage ang hanging bridge at tsaka ‘yung main bridges,” ayon kay Rev. Uriat.

Ibinahagi naman ng diyakono na patuloy din ang search and retrieval operation sa naganap na landslide sa bahagi ng Masara, Maco, Davao de Oro kung saan natabunan ang dalawang bus lulan ang mga empleyado ng Apex Mining Company.

Sa huling ulat ng Eastern Mindanao Command, 86 empleyado ang pinangangambahang natabunan ng lupa, kung saan 45 na ang nailigtas habang 41 naman ang nawawala pa rin.

Humihiling naman ng panalangin ang diyosesis para sa kaligtasan ng mga biktima ng sama ng panahon lalo na ang apektado ng landslide.
Gayundin ang patuloy na panawagan ng tulong at donasyon para sa mga apektadong pamilya na nananatili pa rin sa evacuation centers.

“Sa ngalan po nina Bishop Medel Aseo at Social Action director Fr. Jojit Besinga, humihingi po kami ng tulong sa mga tao na kung pwede po ay matulungan po ang mga tao dito sa Davao de Oro, Davao del Norte, at tsaka sa Davao Oriental. Humihingi rin po kami ng dasal po sa inyo kasi hindi pa po kami nakaka-recover doon sa sunod-sunod na ulan noong mga nakaraang araw, ngayon naman po ay may landslide,” panawagan ni Rev. Uriat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,044 total reads

 42,044 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,408 total reads

 127,408 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,145 total reads

 174,145 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,017 total reads

 222,017 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,038 total reads

 324,038 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,294 total reads

 169,294 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top