Ipadayon ang paglilingkod bilang katiwala ng biyaya ng Diyos.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,542 total reads

Ito ang tema ng ginanap na Pastoral Assembly ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa mula Pebrero 6-8, 2024 sa Seminario de San Jose, Tiniguiban, Puerto Princesa City, na nilahukan ng nasa 316 na parish lay leaders, religious women, seminarians, at mga pari ng bikaryato.

Ayon kay AVPP Pastoral Director Fr. Joseph Cacacha, ang ‘ipadayon’ ay mula sa diyalekto ng Cuyo, Palawan na nangangahulugang ipagpatuloy, at napiling paksa ng bikaryato bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang sa ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan.

Ibinahagi naman ni Fr. Cacacha na layunin ng pastoral assembly na pagtuunan ang isinagawang synodal consultation ng bikaryato upang maibahagi ang naging resulta at matukoy ang saloobin ng mga mananampalataya.

“Una, binalikan namin ‘yung synthesis report ng Synod at ipinaliwanag sa mga tao ang mga nilalaman ng synthesis report. Nagkaroon kami ng small group sharing para pag-usapan ang feedback ng mga mananampalataya tungkol dito. Pangalawa ay aming binalikan ang pastoral program kasi matapos ‘yung consultation na ginawa noong 2021, minarapat ni Bishop Socrates Mesiona na makapaggawa kami ng five-year plan base doon sa resulta nung aming diocesan synodal consultation,” pagbabahagi ni Fr. Cacacha. Umaasa naman ang pari na ang mga saloobin at mungkahi ng mga mananampalataya sa konsultasyon ay makatulong sa pagbuo ng mga plano para sa bikaryato.

Gayundin ang panawagan ni Fr. Cacacha na buong-pusong gampanan ng mga mananampalataya ang pagiging katiwala ng Diyos tungo sa higit na pagpapayabong ng pananampalataya.

“Inaasahan natin ‘yung ownership ng mga tao na ito ay plano natin. Hindi lang ito plano ng mga pari, hindi lang ‘to plano ni Bishop kun’di ito ay plano natin as a vicariate bilang isang local na simbahan. Atin ito so, nandun ‘yung sense of ownership. Asahan namin na dahil d’yan ay mas magiging masigasig ‘yung bawat mananampalataya na isulong itong aming mga ninanais para sa aming lokal na simbahan,” ayon kay Fr. Cacacha.

Magugunita noong Agosto 2022 hanggang 2023 nang ipagdiwang ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya sa Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,077 total reads

 45,077 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,442 total reads

 130,442 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,178 total reads

 177,178 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,050 total reads

 225,050 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 326,921 total reads

 326,921 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,422 total reads

 169,422 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top