Mamamayan, hinikayat ng Papal Nuncio na makiisa sa Walk for Life 2024

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,445 total reads

Hinikayat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas ang mamamayan na makiisa sa taunang Walk for Life sa inisyatibo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippiens Archbishop Charles Brown makahulugan ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang panahon na lantad sa panganib at iba’t ibang uri ng banta ang buhay ng tao.

“I want to encourage all of you to participate in the Walk for Life. This is an incredibly important event every year to demonstrate our support and our desire to protect life at all stages, from conception until natural death. This is such an important issue in our world today, in which human life is threatened in many ways,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Itinakda ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang Walk for Life 2024 sa February 17 kung saan tema ngayong taon ang ‘Together, We Walk for Life’.

Magsisimula ang gawain sa ikaapat ng madaling araw sa Welcome Rotonda at sama-samang maglalakad ang tinatayang 5, 000 delegado mula sa iba’t ibang diyosesis at organisasyon patungong University of Santo Tomas Grandstand kung saan isasagawa ang maikling programa.

Tampok sa pagtitipon ang panayam ni Prolife Philippines President Bro. Bernard Canaberal habang pangungunahan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa alas 6:45 ng umaga.

Inaasahan din ang pakikibahagi nina Dipolog Bishop Severo Caermare ang chairman ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines gayundin sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Unang isinagawa ang Walk for Life noong 2017 na layong isulong ang paninindigan ng simbahan sa kasagraduhan at dignidad ng buhay ng mamamayan lalo na ang mga isinusulong na panukalang batas na lubhang mapanganib at banta sa buhay ng mamamayan tulad ng ‘death penalty, abortion, divorce, euthanasia, at same-sex marriage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,705 total reads

 48,705 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,071 total reads

 134,071 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,806 total reads

 180,806 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,678 total reads

 228,678 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,304 total reads

 330,304 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top