Sama-samang paglalakbay, isasabuhay ng Pasig Catholic College

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,808 total reads

Tiniyak ng Pasig Catholic College na higit na palalawakin ang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng katolikong edukasyon.

Ito ang mensahe ni PCC President Fr. Daniel Estacio kaugnay sa weeklong celebration ng 111th founding anniversary ng institusyon mula February 12 hanggang 16, 2024.

Ayon kay Fr. Estacio, na siya ring superintendent ng Pasig Diocesan Schools System (PaDSS), patuloy na isinasabuhay ng institusyon ang misyon ng synodality o sama-samang paglalakbay, kung saan ang edukasyon ay hindi lamang para sa iilan, kun’di para sa lahat.

Tema ng anibersaryo ang PCC@111 Enlarging Our Tents: Walking Together to do Justice and to Love Goodness, and to Walk Humbly with Your God, na hango sa aklat ni Propeta Mikas.

“That means ‘yung tent na ‘yan na tinatawag natin sa tagalog na kulandong, ibig sabihin embracing everyone to become part of that tent. That means ‘yung ating education na ibinibigay is an inclusive education—para sa lahat,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Fr. Estacio dahil sa loob ng 111-taon ay patuloy na ginagampanan ng PCC ang tungkuling makapaghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon upang hubugin ang mga kabataan sa pagiging mabubuting mamamayan.

Gayundin ang misyon ng institusyon bilang katuwang ng Diyosesis ng Pasig sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko.

“Kaya it’s a celebration of gratitude and joy, thanking the Lord for the 111 years of existence of Pasig Catholic College,” ayon kay Fr. Estacio.

Taong 1913 nang itatag ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM Missionaries ang Pasig Catholic College sa pangunguna ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 48,753 total reads

 48,753 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,119 total reads

 134,119 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 180,854 total reads

 180,854 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 228,726 total reads

 228,726 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,348 total reads

 330,348 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,587 total reads

 169,587 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top