Problema sa jobs at skill mismatch, tutugunan ng DOLE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,938 total reads

Paiigtingin ng Department of Labor and Employment ang pagpapataas sa kalidad ng trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay DOLE Undersecretary for Employment and Human Resource Development Cluster Carmela Torres, sa pamamagitan ito ng pinaigting na pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at sektor ng edukasyon.

Inihayag ni Carmela na hangarin ng DOLE na mapatibay ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa oras na sila ay magsimulang magtrabaho.

“Para kung anuman ang kinakailangang skilled workers ng ating mga industry, dapat din ‘yon ang ipo-produce sa ating education sector. Sinasabi nga natin, i-avoid natin ang jobs, skills mismatch,” ayon sa mensahe ni Torres na ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Tiniyak rin ng kalihim ang mahigpit na pagbabantay sa labor market upang matulungan ang mga manggagawa sa na kagyat na makahanap ng trabaho na base sa kanilang mga tinapos sa kolehiyo o kasanayan at abilidad bilang manggagawa.

Kasabay nito, ipinarating naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isang kabilang sa kagawaran at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na may trabaho at sapat ang kinikita ang mamamayan.

Pangako ng kalihim ang patuloy na paggamit ng teknolohiya upang mapatibay ang kasanayan ng mga manggagawa sa lipunan.

Kaugnay nito, nakasaad sa katuruan ng simbahan na hindi masama ang hangarin tungo sa pag-unlad higit na kung isasama ang bawat mamamayan na kanilang pinagsisilbihan upang makamit ang sama-samang pag-unlad sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,829 total reads

 45,829 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 131,194 total reads

 131,194 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,930 total reads

 177,930 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,802 total reads

 225,802 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,622 total reads

 327,622 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top