Sama-samang paglalakbay, isasabuhay ng Pasig Catholic College

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,622 total views

Tiniyak ng Pasig Catholic College na higit na palalawakin ang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng katolikong edukasyon.

Ito ang mensahe ni PCC President Fr. Daniel Estacio kaugnay sa weeklong celebration ng 111th founding anniversary ng institusyon mula February 12 hanggang 16, 2024.

Ayon kay Fr. Estacio, na siya ring superintendent ng Pasig Diocesan Schools System (PaDSS), patuloy na isinasabuhay ng institusyon ang misyon ng synodality o sama-samang paglalakbay, kung saan ang edukasyon ay hindi lamang para sa iilan, kun’di para sa lahat.

Tema ng anibersaryo ang PCC@111 Enlarging Our Tents: Walking Together to do Justice and to Love Goodness, and to Walk Humbly with Your God, na hango sa aklat ni Propeta Mikas.

“That means ‘yung tent na ‘yan na tinatawag natin sa tagalog na kulandong, ibig sabihin embracing everyone to become part of that tent. That means ‘yung ating education na ibinibigay is an inclusive education—para sa lahat,” pahayag ni Fr. Estacio sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Fr. Estacio dahil sa loob ng 111-taon ay patuloy na ginagampanan ng PCC ang tungkuling makapaghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon upang hubugin ang mga kabataan sa pagiging mabubuting mamamayan.

Gayundin ang misyon ng institusyon bilang katuwang ng Diyosesis ng Pasig sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko.

“Kaya it’s a celebration of gratitude and joy, thanking the Lord for the 111 years of existence of Pasig Catholic College,” ayon kay Fr. Estacio.

Taong 1913 nang itatag ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary o CICM Missionaries ang Pasig Catholic College sa pangunguna ni Fr. Pierre Cornelis de Brouwer, CICM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,261 total views

 17,261 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,275 total views

 67,275 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 63,144 total views

 63,144 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 99,182 total views

 99,182 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,997 total views

 106,997 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top