Ika-75 taon ng pagkakatatag bilang diyosesis, ipagdiriwang ng Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,656 total reads

Inilunsad ng Archdiocese of Davao ang mga gawain sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkatatag bilang diyosesis.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa sa San Pedro Cathedral sa paglunsad ng mga gawain nitong February 22 kasabay ng Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro at pagtatapos sa 25th National Bible Workshop ng arkidiyosesis.

Nagpasalamat si Davao Archbishop Romulo Valles sa Panginoon sa patuloy na biyayang ipinagkaloob sa kristiyanong pamayanan ng Davao na binubuo ng mahigit isang milyong katoliko.

Dalangin ng arsobispo ang mas masigasig at matatag na pamayanan sa tulong panalangin ng Mahal na Birheng Maria upang maisabuhay ang isang simbahang sinodal.

“I hope and pray then that our 75th Anniversary, three-quarters of a century of our faith-journey, will inspire us to remain strong and unwavering in our love for the Lord,” pahayag ni Archbishop Valles.

Sa kasaysayan itinatag ang diyosesis bilang territorial prelature of Davao noong December 17, 1949 habang ganap na naging diocese July 11, 1966 at pormal na itinalagang arkidiyosesis noong June 29, 1970.

Tiniyak ni Archbishop Valles ang pagpapaigting sa munting pamayanan bilang pangunahing nagmimisyon sa mga kristiyanong komunidad.

“Let us sustain the spirit of synodality and stewardship in our Basic Ecclesial Communities as we journey together, and may the next 75 years and beyond continue to be a living witness to our Lord’s graciousness and faithfulness,” ani ng arsobispo.

Katuwang ni Archbishop Valles sa pangangasiwa sa arkidiyosesis si Auxiliary Bishop George Rimando kasama ang halos 200 mga pari sa 39 na mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 49,261 total reads

 49,261 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 134,627 total reads

 134,627 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 181,362 total reads

 181,362 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 229,234 total reads

 229,234 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 330,829 total reads

 330,829 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top