Kalusugan at Gastos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

Kapanalig, isang epektibong sukatan ng kaayusan ng serbisyong pangkalusugan sa bansa ay ang halaga ng gastos ng mamamayan para maka-access nito.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang kabuuang gastos pangkalusugan ng bansa. Kaya lamang, ang mga pribadong pamilya o households ang kumarga ng malaking porsyento ng gastos na ito. Ang out of pocket (OOP) medical expenses ng Filipino households ay mahigit pa sa 50 porsyento ng total health expenditure ng bansa noong 2006, at naging 54.3% pa ito noong 2007.  Ito ay higit pa sa 13% at 13.3% na ginastos ng national government at local governments para sa kalusugan noon.

Ayon naman sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang karaniwan o average household OOP expenditure ng mga pribadong kabahayan ay umakyat ng 21 percent mula 2009 hanggang 2013.

 

Ang out-of-pocket o OOP expenditures ay anumang pambayad para sa mga health practitioners at para sa gamot o anumang pangangailangan upang maibalik ang kalusugan. Mas maganda sana o ideal na maliit lamang ang OOP expenditures at mabigyan din ng financial protection ang mga mamamayan sa tuwing mayroong kaaanak na may sakit. Hindi kaila sa atin na maraming mga sakit ang mahal ang gamutan at biglaan pa kung dumating. Nakakapulubi ito sa may kaya, paano na lamang kapag maralita?

 

Ayon sa mga eksperto, ang mataas na lebel ng OOP expenditures ay para ring malubhang sakit—nakamamatay. Ito ay nagdudulot ng mas mataas na mortality rates lalo na sa mga may edad dahil pag mas malaki ang gastos, mas marami ang ayaw ng magpadoktor.

 

May mga insidente rin kung saan pati ang kapakanan ng mga malulusog na miyembro ng pamilya ay naapektuhan. Dahil sa laki ng OOP health expenditures, napipilitang tumigil na sa pag-aaral ang ilan at magtrabaho kahit mura pa ang edad.

 

Kailangan din ng pagbabago sa ating health care system, pagbabago na magbibigay atensyon sa gastos na katuwang ng kalusugan, gaya ng outpatient care, gamot at financial protection lalo na sa panahong malaki talaga ang pangangailangan para sa kalusugan.

Kapanalig, ang pagsasa-ayos ng health care system ay pag-galang din sa right to life ng mamamayan. Buhay, kapanalig, ang sentro ng usapin ng health care kaya’t dapat itong pagtuunan ng pansin. Ayon nga sa Laborem Exercens, “Ang mga gastos na katuwang ng kalingang pangkalusugan, kasama ang ma aksidente sa trabaho, ay nangangailangan ng tulong. Mura lamang dapat ito, o di kaya ay libre.” Isipin na lang natin kapanalig, kung di natin babaguhin ang ganitong patakaran sa ating sistemang pangkalusugan, hindi ba’t parang nag-aambag na rin tayo sa hirap at kamatayan ng ating kapwa?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 188,510 total reads

 188,510 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 217,003 total reads

 217,003 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 251,125 total reads

 251,125 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 307,529 total reads

 307,529 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 188,512 total reads

 188,512 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 217,005 total reads

 217,005 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 251,127 total reads

 251,127 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 307,531 total reads

 307,531 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top