Kababaihan, binalaan laban sa skin lightening products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,604 total reads

Nanawagan ang EcoWaste Coalition ng sama-samang pagkilos upang mapanatiling ligtas ang kalusugan ng mga kababaihan sa pagkakalantad sa mercury na makikita sa mga produktong pampaganda ng kutis.

Ito ang panawagan ng grupo bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, dapat sumunod sa mahigpit na panuntunan ang pamahalaan, mga negosyo, kabilang na ang mga online sellers, at mga mamimili upang mapigilan ang pag-aangkat, pamamahagi, at pagbebenta ng mga ilegal na skin lightening products na mayroong mercury.

Iginiit ni Lucero na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga kababaihan lalo na sa mga nagdadalantao ang paggamit ng mga produktong mayroong mapanganib na kemikal na karaniwang naaapektuhan ay ang kidneys, nervous system, at balat.

“Women of child-bearing age are particularly sensitive to the harmful effects of mercury, and exposure to this toxic chemical during pregnancy may increase the risk of serious health problems for the baby in the womb, including brain damage, blindness, deafness, and congenital malformations,” pahayag ni Lucero.

Ilan sa mga sintomas ng mercury poisoning ang pagbabago ng panlasa at pandinig, paglabo ng paningin, pamamanhid, at depresyon.

Hinamon naman ni Lucero ang Bureau of Customs at National Bureau of Investigations, na higit pang tutukan ang pagbabantay upang mapigilan ang pagpupuslit ng mga cosmetic product na karamiha’y mula sa China, Pakistan, at Thailand.

Dagdag pa ng grupo ang apela sa Food and Drug Administration makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mahigpit na maipatupad ang ASEAN Cosmetic Directive, Minamata Convention on Mercury, at iba pang mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga kinasasakupan mula sa mga ilegal na produkto.

“We need our local leaders to keep their cities and municipalities safe from these poisonous cosmetics that can endanger the health of their constituents, women and children in particular, as well as pollute the environment,” ayon kay Lucero.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na bagamat sang-ayon ang simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, mas makabubuti na ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 27,673 total reads

 27,673 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 114,117 total reads

 114,117 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 160,856 total reads

 160,856 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 208,728 total reads

 208,728 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 311,313 total reads

 311,313 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,753 total reads

 168,753 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top