Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,652 total reads

Ang Mabuting Balita, 1 Marso 2024 – Mateo 21: 33-43. 45-46

ATING PAG-ASA

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay. “Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamahang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng
mga tagapagtayo ng bahay
ang siya naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat. Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus.

————

Mabuti na lang hindi hinintay ng Diyos na manalig ang mga Judio na si Jesus ay Anak ng Diyos at siya ay ang Mesiyas, bago ipinahayag ang Mabuting Balita sa mga hentil (kabilang tayo rito). Ang Kristiyanismo ay kumalat na parang napakalaking sunog kahit napakaraming mga unang Kristiyano, kasama ang mga apostoles, ang ginawang martir o inusig. Walang anoman at walang sinoman ang nakapaghadlang sa pagkalat ng Kristiyanismo sa buong mundo. Ito ang ATING PAG-ASA sa uri ng mundo na mayroon tayo ngayon. Hindi maaaring manaig ang kasamaan! Sa ating pagpapatotoo kay Kristo sa buhay natin, kasama ang KAPANGYARIHAN ng Diyos, ang Kristiyanismo ay patuloy na kakalat tulad ng isang napakalaking sunog.

Panginoong Jesus, napakapalad namin na nakilala ka namin, at sa pagpapakilala mo sa amin ng Ama na naglikha sa amin, at sa pagpapadala mo ng iyong Espiritu Santo upang manatili ka sa aming piling magpasahanggan ngayon!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 117,331 total reads

 117,331 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 151,476 total reads

 151,476 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 185,607 total reads

 185,607 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 242,011 total reads

 242,011 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 5,089 total reads

 5,089 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 9,519 total reads

 9,519 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 11,042 total reads

 11,042 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 8,158 total reads

 8,158 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top