Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,667 total views

Ang Mabuting Balita, 04 Marso 2024 – Lucas 4: 24-30

“BLACK SHEEP”

Nang dumating si Jesus sa Nazaret, sinabi niya sa mga nasa sinagoga: “Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling.” Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.

————

Kapag ang isang propeta ng Diyos ay nagwika ng Salita ng Diyos, ito ay “buhay at mabisa at higit na matalas kaysa sa alin mang tabak na may dalawang talim. Bumabaon ito hanggang sa ikapaghihiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasu-kasuan at utak ng buto. Nakakatalos ito ng mga pag-iisip at mga saloobin ng puso” (Hebreo 4: 12). Masakit ang katotohanan kung ayaw natin itong tanggapin, at kadalasa’y ayaw natin itong tanggapin kung ito ay nagmumula sa isang taong nakakikilala sa atin. Ito marahil ang dahilan kung bakit napakahirap maging propeta, lalo na sa ating pamilya mismo. Ang anak na nagsasalita ng katotohanan sa isang pamilyang mayroong aberya kadalasan ay tinatawag na “BLACK SHEEP,” masama at walang kwenta ayon sa ibang miyembro ng kanyang pamilya. Ngunit, sa katunayan, ang anak na tinatawag sa masamang pangalan, ang siyang mabuti sa pamilya sapagkat nakikita niya kung ano ang mali sa kanyang pamilya at inaayawan niyang maging katulad nila.

Si Jesus ay minaliit ng kanyang mga kababayan bilang anak lamang ng isang karpintero. Hindi nila matanggap ang kanyang mga itinuturo at ang kanyang mga dakilang gawa. Masyadong mahirap para sa kanila na tanggapin ang katotohanan.

Panginoon Jesus, napakalaking pribilehiyo para sa amin na matawag na iyong mga kapatid sa malaking pamilya ng Diyos!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,577 total views

 61,577 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,446 total views

 57,446 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,648 total views

 93,648 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,849 total views

 101,849 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,036 total views

 126,036 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ETERNALLY PRESENT

 2,220 total views

 2,220 total views Gospel Reading for June 07, 2026 – John 6: 51-58 ETERNALLY PRESENT The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ

Read More »

IN OUR HEARTS

 3,676 total views

 3,676 total views Gospel Reading for June 06, 2026 – Mark 12: 38-44 IN OUR HEARTS In the course of his teaching Jesus said, “Beware of

Read More »

ONCE AND FOR ALL

 3,787 total views

 3,787 total views Gospel Reading for June 05, 2026 – Mark 12: 35-37 ONCE AND FOR ALL As Jesus was teaching in the temple area he

Read More »

BEST VERSION

 3,587 total views

 3,587 total views Gospel Reading for June 04, 2026 – Mark 12: 28-34 BEST VERSION One of the scribes came to Jesus and asked him, “Which

Read More »
Scroll to Top