16,379 total views
Kinilala ng Caritas Philippines ang mga kababaihan at mahalagang tungkulin sa lipunan sa paggunita ngayong Marso ng National Women’s Month.
Ayon sa Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang mga kababaihan ang maituturing na pundasyon ng mga komunidad na kanilang kinabibilangan na dahilan sa matatag na pagbuo ng lipunan.
Inihalimbawa ng Caritas Philippines ang paninindigan ng mga kababaihang mananampalataya sa kani-kanilang parokya matapos pangunahan ang mga kindness station na nagbabahagi ng pagkain at iba pang suplay sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 Pandemic.
“Caritas Kindness Stations are run by volunteers from the parish and community or by members of savings and self-help groups – mostly women! It works like a community shop where everyone is invited to take what they need for the day and share something in return – vegetables from their garden, a bottle of soy sauce or a kilo of rice – creating a virtuous process of give and take and highlighting the invaluable value of sharing in times of loneliness,” ayon sa mensahe ni Jing Rey Henderson – Advocacy Director ng Caritas Philippines
Pinahalagahan ng Caritas Philippines ang tungkulin ng mga kababaihang na nagsisilbing pinuno at tagapaglunsad ng pagbabago sa ekonomiya higit na sa mga pamilya at komunidad.
Kaugnay nito, upang higit na matulungan ang mga kababaihan ay nakiisa narin ang Women Workers United (WWU) sa panawagang kagyat na pagtaas suweldong natatanggap ng mga manggagawa.
Kasabay ito ng pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa mga polisiya at batas na tutulungan ang mga kababaihan laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa