Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,238 total reads

Ang Mabuting Balita, 5 Marso 2024 – Mateo 18: 21-35

MAGING MAAWAAIN

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyung piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ Sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

————
“Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

Maging sa ating mga Kristiyano, ang magpatawad ay marahil ang pinakamahirap gawin. Marahil magiging madali ito kung ang ginawa sa atin ay hindi nakasakit sa atin o mga taong minamahal natin. Kung magpapatawad tayo mula sa puso, magiging mas madali para sa atin, sapagkat mula sa puso tayo natututong MAGING MAAWAAIN, sa pamamagitan ng pag-unawa kung saan nanggagaling ang taong nakasakit sa atin, at sa pag-alala na tayo rin ay nangangailangan ng awa ng ating kapwa kapag tayo ang nakasakit sa kanila.

Panginoong Jesus, nawa ang panalangin ni San Francisco de Asis ay lagi namin maging panalangin –

Poon, nawa’y ako’y Iyong tulutang
maging kasangkapan ng iyong kapayapaan.
Sa pagkamuhi, nawa’y maitanim ko ang pag-ibig,
Sa sakit, pagpapatawad,
Sa duda, pananalig,
Sa hapis, pag-asa,
Sa karimlan, liwanag,
Sa kalungkutan, saya.
O Mabathalang Poon, nawa’y di ko hangarin
Ang mamanatag kaysa ang magpanatag,
Ang maintindihan kaysa ang umintindi,
Ang mahalin kaysa ang magmahal.
Sapagkat nasa pagbibigay ang mabigyan,
Nasa pagpapatawad ang mapatawad,
At nasa kamatayan ang buhay na walang hanggan.

Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 122,568 total reads

 122,568 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 156,399 total reads

 156,399 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 190,528 total reads

 190,528 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 246,932 total reads

 246,932 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NO LIMITS

 5,259 total reads

 5,259 total reads Gospel Reading for October 30, 2026 – Luke 14: 1-6 NO LIMITS On a sabbath Jesus went to dine at the home of

Read More »

FEAR

 9,689 total reads

 9,689 total reads Gospel Reading for October 29, 2026 – Luke 13: 31-35 FEAR Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave this area

Read More »

INSTRUMENTS

 11,177 total reads

 11,177 total reads Gospel Reading for October 28, 2026 – Luke 6: 12-16 INSTRUMENTS Jesus went up to the mountain to pray, and he spent the

Read More »

UNSTOPPABLE

 8,290 total reads

 8,290 total reads Gospel Reading for October 27, 2026 – Luke 13: 18-21 UNSTOPPABLE Jesus said, “What is the Kingdom of God like? To what can

Read More »
Scroll to Top