Mamamayan, hinamon ng Obispo na maging mabuting tagapangalaga ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,526 total views

Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na higit pang ipakita ang pagiging mabubuting anak ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga sa sangnilikha.

Ayon kay Bishop Santos, bilang mga anak ng Diyos, ang tao’y nilikha hindi lamang upang tamasahin ang mga likas na yamang handog, kun’di pinagkakatiwalaan din sa tungkuling pangasiwaan at pangalagaan ito para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.

“When we show that we care for God’s creation, we are showing that we are His true children. And in doing so, we give back in a way that honors God,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay paanyaya para sa pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa Sabado, March 23, kung saan muling isasagawa ang isang oras na pagpapatay ng mga ilaw mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Sinabi ni Bishop Santos na ang paglalaan ng isang oras para sa mundo ay kaakibat ang positibong epekto na makatutulong upang makapagpahinga ang inang kalikasan.

Pagbabahagi ng obispo na noong nilikha ng Diyos ang daigdig ay ipinagkatiwala na Niya sa mga tao ang pangangalaga at pagpapayabong dito, kaya naman ang pandaigdigang gawain ay magandang hakbang upang ipakita ang pagmamalasakit sa ating nag-iisang tahanan.

“We must then show obedience by protecting the environment and helping it to thrive and prosper, in whatever way we can. We are called by God to give support, in any form, as part of our responsibility of stewardship,” saad ni Bishop Santos.

Samantala, pangungunahan ng Manila City Government ang pagdiriwang ng Earth Hour sa Pilipinas katuwang ang World Wide Fund for Nature Philippines.

Isasagawa rin ng Radio Veritas 846 ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2024 Special” mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi na mapapakinggan sa DZRV 846 AM at matutunghayan sa DZRV846 Facebook page, Veritas PH sa YouTube, at sa Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ito’y sa pakikipagtulungan din ng WWF-Philippines at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Taong 2007 nang unang isagawa sa Sydney, Australia ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon para sa kalikasan, at ngayo’y isinasagawa na sa higit 7,000 lungsod at 193 bansa sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,594 total views

 49,594 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,463 total views

 45,463 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,665 total views

 81,665 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,315 total views

 90,315 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,448 total views

 115,448 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top