Ecological Solid Waste Management Act, maganda lang sa papel at hindi napapatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,524 total views

Maituturing na totoong tao ang nagmamalasakit sa kapaligiran.

Ito ang binigyang-diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kanyang pagninilay sa isinagawang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan” ng Radyo Veritas noong Sabado, March 23, 2024 bilang pakikiisa sa Earth Hour ngayong taon.

Ayon kay Bishop David, bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha, mahalagang maunawaan ng mamamayan ang tungkuling iniatas ng Diyos sa bawat isa bilang tagapangalaga ng kalikasan.

Nabanggit ng obispo ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act na nilikha upang maitaguyod ang wastong pamamahala sa mga basura at matugunan ang epekto ng plastic pollution.

Alam po ninyo, mayroon tayong batas, ito po ang batas na Ecological Solid Waste Management. Ang ganda-ganda sa papel, pero hindi nai-implement dahil hindi nalalagay sa kamalayan ng ating mga mamamayan. Napakasimple lamang po ng mga prinsipyo ng ecological solid waste management. Tatlong bagay, segregate, compost, recycle,” ayon kay Bishop David.

Ipinaliwanag ni Bishop David na ang segregate, compost, at recycle ang epektibong paraan upang matukoy ang mga basurang nabubulok at gawing pataba sa lupa, at mga hindi nabubulok na maaaring i-recycle at gawing kapaki-pakinabang.

Hinimok naman ng obispo ang publiko na iwasan na ang paggamit ng mga single-use plastic upang mapigilan na ang pagdami ng basura na nangungunang sanhi ng pagbaha.

Alam natin na matagal na matagal bago mabulok ang plastic dahil nga ito’y non-biodegradable. Kaya’t hangga’t maaari ay i-save po natin ang mga plastic, at i-recycle ang mga ito para hindi maperwisyo ang ating kapaligiran. Ang mga balat ng candy, ‘pag kumain ng candy nako, maliit na basura ibulsa muna kung walang tamang pagtatapunan. Dahil kapag tinapon ‘yan sa kalsada, ‘yan ay papasok sa mga kanal at magiging sanhi ng pagbabara ng ating mga kanal at tuloy babahain tayo,” paliwanag ni Bishop David.

Tema ng Earth Hour 2024 ang “Switch Off Plastic Pollution, Give an Hour for Earth”, na layong paigtingin ang panawagan upang ihinto na ang paggamit ng plastic at tugunan ang suliranin ng plastic pollution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,966 total views

 45,966 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,835 total views

 41,835 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,037 total views

 78,037 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,774 total views

 86,774 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,205 total views

 112,205 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top