Nakibahagi sa alay lakad, pinuri ng Obispo ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,671 total reads

Pinuri at pinasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang libu-libong mananampalatayang nakiisa sa Alay Lakad patungong International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral noong Huwebes Santo, March 28.

Ikinatuwa ng obispo ang pagiging masigasig ng mga perigrino na nag-alay ng mga barya sa dambana kung saan bukod sa Alay Lakad ang pagiging Bukas Palad para sa pangangailangan ng kapwa.

“As those coins touch the sanctuary of our Cathedral, they resonates the sounds of your cares and concerns. Your prayers and petitions rise merlodiously to Heaven,” ayon kay Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na ang nalikom na pondo mula sa baryang inialay ng mga perigrino sa dambana ng international shrine ay gagamitin para sa proyekto ng diyosesis na pagpapatayo ng Chapel of Our Lady of Antipolo sa Tanay Rizal na magiging sentro ng pagpapalalim sa pananampalataya at sakramento ng simbahan lalo na ang pag-iisang dibdib.

“With your coins, we will build you a Chapel of Our Lady in our property in barangay Sampaloc, Tanay. A chapel for your family, for renewal of your marital vows, a place where people can congregate and flourish. A wedding destination of the Diocese of Antipolo in honor of patroness Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje,” ani Bishop Santos.

Nagsimula na ang pagtatayo sa kapilya kaya’t malaking tulong ang mga baryang inialay ng mga nakiisa sa Alay Kapwa na ayon sa pamunuan ng Antipolo Cathedral ay kadalasang nakakalikom ito ng mahigit sa 100-libong piso.

Patuloy na pinasalamatan ni Bishop Santos ang mga deboto at mananampalatayang dumadalaw sa international shrine at nagpahayag ng pagsuporta sa mga proyekto at programa ng simbahan para sa kapakinabangan ng mamamayan lalo’t higit ang nangangailangan sa lipunan.

Tanyag ang Antipolo Cathedral bilang pilgrim site lalo na ngayong kinilala ito ng simbahan bilang kauna-unahang international shrine ng Pilipinas at Southeast Asia gayundin ang paggawad ni Pope Francis ng Golden Rose na kauna-unahan para sa isang Marian Shrine.

Pinaghahandaan ngayon ng Diocese of Antipolo at international shrine ang nalalapit na pagsisimla ng pilgrimage season sa Mayo na magtatagal hanggang Hulyo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 11,365 total reads

 11,365 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 31,937 total reads

 31,937 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 98,301 total reads

 98,301 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 183,668 total reads

 183,668 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 230,403 total reads

 230,403 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 278,277 total reads

 278,277 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 377,271 total reads

 377,271 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top