Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,561 total views

Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan.

Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang malawak na pastoral concerns para sa mamamayan ng Batanes.

Bilang punong pastol ng Prelatura ng Batanes ay pangunguhanan ni Bishop Ulep ang pangangalap ng pondo upang mapalawak ang evangelization ng simbahan sa lalawigan.

“Ang isang naging misyon ko para sa sarili ko na I’m going to outsource funding kasi as you all know hindi kami makagalaw na tuparin o tugunan ang mga pangangailangan at mga programa kung wala tayong funding. Sabi ko sa aming mga kaparian ‘we need funds’ and we have identified like 4 or 5 different kinds of funds, isa diyan ay for pastoral funds o for pastoral concerns kaya ang gagawin ko po iikot po ako, kung kinakailangan umikot po ako ng ibang bansa o sa Metro Manila gagawin ko po yun, pangungunahan ko po yun sa ngalan ng mga tao dito sa prelatura para sa ganun yung nasa papel na specific programs ay maisakatuparan namin.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Kabilang sa mga nakahanay na pastoral programs ng Prelatura ng Batanes ang pagpapalawig ng Basic Ecclesial Communities; pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria at kay San Jose; pagpapalakas ng partisipasyon ng mga kabataan sa mga gawaing pang-simbahan; pagpapalawig sa kamalayan ng mga mamamayan sa problemang pangkalikasan; pagpapasok sa kultura ng mga Ivatan sa pagdiriwang ng liturhiya; pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan ng Batanes o social services; pagpapalawig ng servant-leadership at stewardship; gayundin ang pagpapatatag ng pamilya; at pangangalaga sa mayamang kultura at tradisyon ng mga Ivatan.

Batay sa 2021 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) aabot sa 19,000 ang bilang ng populasyon sa Batanes kung saan sa kasalukuyan ay may anim na parokya sa Prelatura ng Batanes.

27 mga pari naman ang katuwang ni Bishop Ulep sa pangangasiwa sa buhay espiritwal at social services ng mga mamamayan ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 49,879 total views

 49,879 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 73,031 total views

 73,031 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 143,145 total views

 143,145 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 217,759 total views

 217,759 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 294,187 total views

 294,187 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 7,163 total views

 7,163 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top