Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,763 total reads

Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon.

Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May 19 hanggang 26, 2024.

Tema ng Laudato Si’ Week 2024 ang “Seeds of Hope’ na hango mula sa simbolo para sa Season of Creation 2024 na “Firstfruits of Hope”.

Layunin ng pagdiriwang na pagtuunan at higit na maipaunawa sa mananampalataya ang apostolic exhortation ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudate Deum, na sumusuporta sa ensiklikal na Laudato Si’, upang maging inspirasyon para sa personal at kultural na pagbabago sa gitna ng nararanasang krisis sa kalikasan at klima.

There are no lasting changes without cultural changes… and there are no cultural changes without personal changes,” ayon sa Laudato Si’ 70 ni Pope Francis.

Maliban dito, gugunitain din sa linggong ito ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkakalathala ni Pope Francis sa Laudato Si’, gayundin ang pagbabahagi ng Santo Papa ng kanyang mensahe para sa World Day of Prayer for the Care of Creation, na ginugunita tuwing September 1, ang simula ng Season of Creation.

Sa inilabas na Celebration Guide para sa Laudato Si’ Week ay iminumungkahi ang pang-araw-araw na gawain tulad ng Ecological Conversion Sunday; Sustainable Transportation Monday; Sustainable Food Tuesday; Renewable Energy Wednesday; Waste Reduction Thursday; Water Conservation Friday; Catechesis and Integral Ecology Saturday; at Reflection and Commitment Sunday.

Inaasahan sa isang linggong pagdiriwang ay mahikayat ang lahat na higit na palalimin ang paggalang sa sangnilikha, itaguyod ang mga gawaing makakatulong sa kalikasan, at patatagin ang pangako tungo sa buhay na sapat at may paggalang sa nag-iisang tahanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 5,267 total reads

 5,267 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 24,912 total reads

 24,912 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 85,410 total reads

 85,410 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 106,327 total reads

 106,327 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 186,982 total reads

 186,982 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 287,428 total reads

 287,428 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 63,190 total reads

 63,190 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top