Pagsagip sa Danajon Bank double barrier reef, panawagan ng Obispo ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,391 total reads

Umapela ang Diyosesis ng Tagbilaran sa mamamayan at mga lokal na opisyal ng Bohol upang iligtas sa mapaminsalang pag-unlad ang Danajon Bank Double Barrier Reef.

Ayon kay Bishop Alberto Uy, tungkulin ng bawat isa na isaalang-alang ang pangangalaga sa mga itinuturing na mahalagang kayamanan ng bansa upang mapanatili ang likas na ganda at masaksihan ng mga susunod pang henerasyon.

“As custodians of this invaluable natural wonder, it is incumbent upon us to exert every effort within our means to ensure its protection and preservation for generations to come,” pahayag ni Bishop Uy.

Nababahala si Bishop Uy na labis na mapinsala ang nasabing barrier reef ng binabalak na Negros-Cebu-Bohol-Leyte o NECEBOLEY Interlink Bridge Project na layong pag-ugnayin ang apat na isla ng Visayas.

Hawak ng AG&P Industrial at Visayas Neceboley Interlink Holdings Corp. (VNHIC) ang mega infrastrature project na tinatayang nagkakahalaga ng $15-bilyon.

Mahahati sa dalawang bahagi ang proyekto kung saan nakatuon ang unang bahagi sa pagbubuo at operasyon ng nasa 238-kilometrong toll road expressway bridge na mag-uugnay sa apat na malalaking isla ng Visayas.

Habang ang ikalawang bahagi naman ay may sukat na may 568 ektarya para sa land reclamation at horizontal foreshore and offshore development.

“We implore all stakeholders, particularly our Government Leaders, to prioritize the conservation of the Danajon [Bank] Double Barrier Reef above all else. Any proposed development initiatives that pose a threat to this irreplaceable gift of nature must be met with resolute opposition and unwavering commitment to its preservation.,” saad ni Bishop Uy.

Hamon naman ni Bishop Uy sa mamamayan ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pagtupad sa misyong iniatas ng Diyos bilang mga katiwala ng sangnilikha.

Matatagpuan ang Danajon Bank Double Barrier Reef sa hilagang baybayin ng Bohol, na itinuturing ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na natatangi sa Pilipinas at Southeast Asia, at isa sa anim na double barrier reefs sa buong mundo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 17,235 total reads

 17,235 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 18,032 total reads

 18,032 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,994 total reads

 34,994 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 72,371 total reads

 72,371 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,640 total reads

 103,640 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,677 total reads

 178,677 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 271,181 total reads

 271,181 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,475 total reads

 74,475 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top